Marian pinapahiran ng lotion si Dingdong kahit tulog, tanggap na ang pagtanda: ‘Ang mahalaga inaalagaan mo ang sarili mo’

Marian pinapahiran ng lotion si Dingdong kahit tulog, tanggap na ang pagtanda: 'Ang mahalaga inaalagaan mo ang sarili mo'

Dingdong Dantes at Marian Rivera

TANGGAP na ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang katotohanan na darating din ang panahon na tatanda siya at magbabago ang itsura.

Pero para sa kanya wala naman daw siyang nakikitang disadvantage sa kanyang mukha at katawan tulad ng sinasabing kapag maganda o gwapo ang isang tao ay may kakambal ding kanegahan.

Sa media launch ng bagong skincare brand na BlancPro na pag-aari ng matagumpay na lady entrepreneur na si Rhea Anicoche-Tan, nagbahagi si Marian ng kanyang saloobin tungkol sa kagandahan, lalo na ngayong turning 39 na siya this year.


“For me, wala naman sigurong disadvantage (ang kanyang beauty). Kailangan nating tanggapin ang katotohanan na, alam mo yun, hindi naman forever young ka.

“Pero, ang tanong, how do you take care of yourself habang tumatanda ka. Kaya naman nandiyan ang ating mga lotions. Para alam mo yun, kasi yun naman talaga yun, e. Kung paano mo alagaan yung sarili mo.

“Kasi, lahat tayo darating diyan. Lahat tayo tatanda. Yun nga lang, paano ka tatanda na mas maayos, mas maganda, di ba? For me, okey ako doon. In-embrace ko yung ganu’ng pagkakataon,” paliwanag ng wifey ni Dingdong Dantes.

Aminado naman ang Kapuso superstar na medyo kumplikado ang kanyang beauty regimen, “Marami akong routine, e. Maarte ako, e. Yun yung sinasabi ko kay Ate Rhea, isa sa mga topic namin kapag nag-uusap kami, kahit way-way back pa.

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Kaladkaren sa mga magulang na hindi tanggap ang anak na LGBT member: ‘It needs time, understanding…’

“Kung paano namin alagaan ang sarili namin, kung anong product nilagay namin sa face namin, kung ano bang kailangan naming moisturizer or sunblock, maingat talaga ako sa ganu’n,” aniya pa.

“Siguro, isa yan sa mga namana ko sa nanay ko. Si Mama talaga, since maliit pa ako, gusto talaga niya naglo-lotion, which is naipapasa ko sa mga anak ko talaga na lotion kami nang lotion. Pagkatapos maligo, bago matulog,” chika ni Marian.


Sabi pa ng celebrity mom, kahit daw si Dingdong ay nilalagyan niya ng lotion, ‘Kahit tulog siya, lo-lotion-an ko siya. Kasi, di ba, alam natin yung mga boys, aminin natin minsan, alam mo yun, hindi masyadong maganun.

“So yung asawa ko, hindi. Pag tulog na lang, lo-lotion-an ko,” nakabungisngis na sey pa ni Marian.

Pero sa lahat ng ito, ipinagdiinan ni Marian na pinakamahalaga pa rin ang pagkakaroon ng inner beauty, “Hindi lang palaging skin-skin.

“Siyempre kailangan inside din, masaya ka, happy ka na alam mo yun, sa sarili mo, sa pamilya mo, sa lahat ng achievements mo, so mahalagang combination yang dalawa na yan,” aniya pa.

Rabiya sa pagkatalo sa 2020 Miss U: It was heartbreaking…that night wasn’t meant for me

Bianca ipinagsigawan ang feelings kay Ruru sa mall show: Ang talagang may-ari ng puso ko at ang nag-iisang lalaki sa buhay ko!

Read more...