Jodi Sta. Maria, Thirdy Lacson magkaklase sa culinary school

Jodi Sta. Maria, Thirdy Lacson magkaklase sa culinary school
SUPER happy ang Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria dahil goals ang atake nila ng kanyang anak na si Thirdy Lacson.

Magkaklase kasi ang dalawa at parehas na nag-aaral para maging chef sa Center for Asian Culinary Studies.

Sa kanyang Instagram account ay ibinandera ni Jodi ang larawan nila ng anak habang magkatulong sa paghahanda sa culinary school.

“Dati pinaguusapan lang natin na sana maging magka-klase tayo and today that happened,” pagbabahagi ng aktres.

Dagdag pa ni Jodi, “So happy to be your classmate anak. Always here to support you every step of the way!”

Baka Bet Mo: Jodi Sta. Maria proud na proud sa pagtatapos ng anak sa high school, ibinandera ang ‘blended’ family pic kasama si Iwa Moto

Umani naman ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang naging post ng aktres.

“Yung sabay kayong nagaaral at natututo ng anak mo! Winner!” saad ni Eric John Salut.

Comment namang ng isa, “Gusto ko din mag aral kami ng anak ko jan thank you Miss Jodi sa inspiration.”

“Ang magka muka!! Beautiful people!! Naku since pandemic. I been way their cooking blog together,” sey naman ng isa.

May mga netizens naman na nagsabing nagiging kamukha na raw ng anak ni Jodi ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia na siyang kasama niya sa ongoing drama series na “Unbreak My Heart”.

Anila, papasa na raw si Thirdy bilang anak nina Rose (karakter niya) at Renz (karakter ni Joshua).

“naging kamukha na ni Renz @garciajoshuae anak mo Ms. Jodi,” sey ng isang netizen.

Segunda naman ng isa, “AY! Si Thirdy, son ni Renz @garciajoshuae and Rose.”

“Bakit parang may aura si thirdy na joshua garcia? HAHAHAHA,” dagdag pa ng isa.

Si Thirdy ay anak ni Jodi Sta. Maria sa dati nitong asawang si Panfilo Lacson Jr.

Related Chika:
Jodi 10 years bago nahanap ang tunay na ama: But he was long gone na, he passed away 2001

Jodi Sta. Maria nag-uwi ng bagong karangalan para sa Pinas: Panalo ito ng lahat!

Read more...