Rocco Nacino muntik nang manakawan sa theme park, driver nagtulug-tulugan nang palibutan ng mga suspek ang kanilang sasakyan
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Rocco Nacino
BINIGYAN ng warning ng Kapuso actor na si Rocco Nacino ang publiko na planong bumisita at mamasyal sa isang ocean park na matatagpuan sa Manila.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, ibinalita ni Rocco ang naging experience ng kanyang pamilya, lalo na ng kanilang driver sa nasabing pasyalan upang magsilbing babala sa local at foreign tourists.
Ayon sa celebrity daddy, isinapubliko niya ang mga naging kaganapan “for the safety of your customers and for the welfare and security of Manila Ocean Park.”
Nangyari raw ito noong July 2 sa parking area ng naturang ocean park, “Yesterday, July 2, we visited Ocean park with my family. We were 2 cars and since it was a hectic day, we brought a driver with us.
“As he brought us to the drop off area where my parents were waiting for us, everything went smoothly and I instructed our driver to head to the parking area of Ocean Park and rest for a while,” simulang kuwento ni Rocco.
Patuloy pa niya, “While we were inside, our driver took a nap and turned off the engine of the car. Since hindi sanay matulog sa car, mababaw ang tulog niya.”
Kasunod nito, nakita ng kanilang driver na may dalawang kotseng dumating sa area at nag-park sa harapan ng kanilang sasakyan.
Pito katao raw ang lumabas sa kotse at agad na sumilip ang ilan sa mga ito sa sasakyan ni Rocco. Nagtulug-tulugan ang driver ng aktor at pinakiramdaman ang mga taong nagmamanman sa lugar.
“A little later, two cars parked in front of him, and out came seven individuals, 5 of them male and 2 female. They started circling around the car, slowly peeping inside.
“Obviously looking for something. Our driver got nervous and started to fake his sleep, but he was slowly watching them. He heard from one of the men, saying, ‘May tao ba? May makukuha ba?’ Which the woman replied, ‘Meron pala, natutulog.’
“They started to exchange looks kung itutuloy nila o hindi. But then chose to drive away na lang,” pagbabahagi pa ni Rocco.
“If my driver wasn’t there, basag ang windows ko niyan, kinuha na lahat ng valuables sa loob lalo na at kitang kita na maraming baby stuff inside.
“If pumalag ang driver ko, most probably may baril ang mga lalaki na de kotse pa,” aniya pa.
Wala raw intensiyon si Rocco na manira o mangnega sa kanyang Facebook status, “Posting this not to bash ocean park. But please, bump up your security. Increase roving around the parks inside and outside the park.
“Please invest on your security, lalo na maraming tourists na dumadalaw sa park and hotels.
“Napakswerte namin nung araw na iyon. I was supposed to withdraw some money and lock in in the compartment. Buti nalang hindi ko tinuloy. Kapag napagtripan kami, at nabuksan yun, goodbye pera,” aniya.
Sa huli, pinaalalahanan nga ni Rocco ang lahat ng magpupunta sa naturang ocean park, “For the families visiting Manila Ocean Park, PLEASE DO NOT LEAVE ANY VALUABLES INSIDE YOUR CAR. Mabuksan man nila, basta wala sila makuha na valuables.
“Stay safe everyone. Di na biro ang mga nilalang na gumagawa ng masama, kung ano man ang rason nila para gawin iyon. Karma na lang bahala sa kanila.
“Pero sana marealize nila kapag tinuloy nila mga gawain nila, napaka-traumatizing sa mga families ang ginagawa nila.
“To everyone reading this, please share to friends na may balak pumunta ng ocean park,” lahad ni Rocco.
Ito naman ang message niya sa pamunuan ng nasabing pasyalan, “Ang laki-laki ng kinikita n’yo Ocean Park, invest naman kayo in safe parking spaces and number of security guards. Stay safe everyone.”
Tinag pa ni Rocco ang official FB page ng naturang ocean park sa kanyang open letter. Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng Manila Ocean Park hinggil sa isyung ito.