Kim naiyak habang nanonood ng 'Top Gun' kasama si Xian: First time inside the movie house after 2 years! | Bandera

Kim naiyak habang nanonood ng ‘Top Gun’ kasama si Xian: First time inside the movie house after 2 years!

Ervin Santiago |June 14,2022
facebook
share this

Kim naiyak habang nanonood ng ‘Top Gun’ kasama si Xian: First time inside the movie house after 2 years!

Ervin Santiago - June 14, 2022 - 08:04 AM

Kim Chiu at Xian Lim

MAKALIPAS ang halos tatlong taon simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic, muling nakapag-movie date ang celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim.

Ikinuwento ng Kapamilya actress at TV host sa kanyang fans at social media followers ang panonood nila ni Xian sa sinehan ng Hollywood movie na “Top Gun: Maverick” na pinagbibidahan ni Tom Cruise.

Sa kanyang Instagram Stories, ipinost ni Kim ang litrato nila ng kanyang longtime boyfriend na kuha sa loob ng sinehan.

Aniya sa caption, “First time inside the movie house after 2 years! Grabe TOP GUN really made me cry!

“Ang GANDA!!! Medyo OA ako pero yeah! Nakaka-iyak! Ang galing nila lahat! Tom Cruise is TOM CRUISE!!! Thanks @xianlim,” mensahe ni Kim na nilagyan pa ng kissing face at  heart emoji.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kim Chiu 🌸 (@chinitaprincess)


Nauna rito, nakapagbakasyon na rin sa ibang bansa ang celebrity couple after almost three years ng hindi pagta-travel dahil sa pandemya.

Nagtungo ang magdyowa sa Thailand noong Holy Week break last April. Nagawa nilang libutin ang Bangkok, Phuket, at ang sikat na sikat na Koh Phi Phi Islands.

In fairness, kasal na lang talaga ang kulang sa relasyon nina Kim at Xian. Pero sa tuwing matatanong nga ang dalawa tungkol sa wedding palaging “no pressure” ang sagot nila.

Sabi ni Xian, “Hindi ko naman po nararamdaman (yung pressure). Basta ang kasunduan namin, as long as nagmamahalan kami nang lubos, that’s all that matters.

“I strongly believe na dapat plantasado lahat ‘yan before pumasok at you take that leap of faith in having a baby or getting married. Dahil baka kasi pag hindi pa plantsado lahat.

“I mean, this is just my opinion. Iba-iba naman ang rason ng tao, eh. But I think na parang you don’t want na yung mga problema o ganyang hurdles na lumabas, kapag once nandun na kayo sa point na yun na magkakagulo kayo, it might shake up the relationship and it might be a chance na magkahiwalay pa kayo.

At tungkol naman sa usaping pre-nuptial agreement, “Hindi pa naman namin napapag-usapan. But I guess to share one thing na nadaanan namin, I remember hindi namin napag-usapan, but out of nowhere, we just brought up yung sinabi ni Steve Harvey na every couple needs to have bank accounts.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I’m sure some people may or may not agree na one to pay the bills, one savings for the couple, and one for you and one for her,” ani Xian.

Xian alam ang mga hinanakit at sama ng loob ni Kim; umaming kinakabahang makatambal si Jennylyn

Kim niregaluhan ni Xian ng OOTD na pang-motor: Para raw ready ako umangkas sa kanya!

Xian Lim hindi pa handang maging tatay: Spiritually, I think I need a proper mindset for it

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending