Madam Inutz muling nagreklamo sa sobrang taas ng bayarin sa kuryente, umabot sa P40k: ‘Hindi naman po ako sa Palasyo nakatira!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Madam Inutz
NALOKA at nawindang na naman ang komedyana at social media personality na si Madam Inutz nang bumulaga sa kanya ang latest bill sa kuryente!
Ito na ang ikalawang pagkakataon na nabaliw-baliw si Madam Inutz o Daisy Lopez sa tunay na buhay, sa kailangan niyang bayaran sa kanilang electric bill na umabot na sa mahigit P40,000.
Idinaan ng Kapamilya comedian at content creator sa kanyang Facebook account ang kanyang reklamo hinggil sa kanilang P40,882.13 electric bill para sa buwan ng Hunyo.
Sa litratong ipinost ni Madam Inutz sa FB, makikitang itinuro pa niya ang halaga na kailangan nilang bayaran sa pamamagitan ng kanyang middle finger.
Ang buwisit na buwist na caption ni Madam Inutz sa kanyang FB post, “HINDI NAMAN PO AKO SA PALASYO NAKATIRA KUNG KELAN NAGTITIPID SAKA LALONG TUMATAAS Meralco BAKIT NAMAN.”
Mababasa naman sa comments section ang reply ng kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino, “Bakit ang pagturo mo naka-makyu ka tea Madam inutz.
“Asa consumption yan tiii… need mo inform sa kanila magtipidity. After malamig na kuwarto ay gamitin na ang electric fan. Hindi mo naman kasi namomonitor sa bawat kuwarto,” paalala pa nito.
Narito naman ang ilang reaksyon ng mga netizens sa reklamo ni Madam Inutz.
“Grabe namn bill Ng kuryente ni madam inuts. smin nga 1taw plus lng pahirapan pa mag bayad.”
“Dapat mkinig Kay Mamaaaa tiii. alam nya na laat yarnnn Madam inutsss hnggang tlga ngeonn Naman inuts parin. Pero sana all mayamarnnnn kasi kami mayamarnnn lang SA ?????”
“Pa solar na lang Madam inutz bosssett talaga now Meralco mataas singil nila kaya kahit magtipid useless din tapos nagmamadali pa yan mamutol.”
“Korek nasa disiplina yan ng mga kasamahan mo sa bahay madalas kasi pag alam nilang mapera ka wala na sila pakialam.”
“Yung mga ksma pala sa bahay may kasalanan..todo aircon na nka electricfan pa habang si madam nagpapypay nlng.”
“Relate madam… kung kelan nagtipid at nauulan na ngayon saka tumaas ng bill ng Meralco.”
“Baka 10 Ang aircon n’yo madam at 5 Ang refrigerator n’yo?”
“Same po madame dati bill namin 2plus lang ngayon umaabot na ng 5plus hays meralco talaga.”
“Madami na nga pong nagrereklamo sa Meralco ganyan din po ang reklamo nila mataas ang bill kahit walang nakatira hayyyys.”
“Para makatipid wag 24 hrs ang aircon madam… wag Meralco ang sisihin, mas malaki pa nga ang consumption n’yo ngayon kaysa last month… hehe.”
Ilang buwan na ang nakararaan, inireklamo rin ng komedyana ang napakataas na bill nila sa kuryente samantalang ang liit lang naman daw ng kanilang bahay ay hindi rin karamihan ang mga kagamitan nila.