‘Barbie’ under review na sa MTRCB kasunod ng pagba-ban sa Vietnam

'Barbie' under review na sa MTRCB kasunod ng pagba-ban sa Vietnam

KASALUKUYANG nire-review ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB ang international movie na “Barbie“.

Ngayong araw sy opisyal nang naglabas ng pahayag ang ahensya ng bansa kaugny sa isyu.

“We confirm that the Board has reviewed the film “Barbie” today, 04 July 2023. At this time, the assigned Committee on First Review is deliberating on the request of Warner Brothers F.E. Inc. for a Permit to Exhibit,” ayon sa MTRCB.

“Once available, a copy of the Permit to Exhibit or the Committee’s decision will be uploaded to the Agency’s official website,” pagpapatuloy nito.

Una nang ipinagbawal ang bansang Vietnam dahil sa isang eksena sa “Barbie” kung saan ipinakita nito sa isang mapa ang nine dash line ng China sa mga pinag-aagawang trritoryo sa South China Sea.

Bandera IG

Baka Bet Mo: Rufa Mae ka-join daw sa Hollywood movie na ‘Barbie’ nina Ryan Gosling at Margot Robbie: ‘Joke, joke, joke!’

Ang “U-shaped” nine dash line ay ginagamit sa mga Chinese maps upang ipakita na diumano’y pag-aari nito ang ilang lugar sa South China kagaya na lamang ng swatches na itinuturing ng Vietnam bilang kanilang continental shelf na iponagkaloob sa kanila bilang kanilang oil concessions.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may na-ban nang pelikula dahil sa pgpapaplabas ng nine dash line gaya ng “Barbie”.

Nagdesisyon rin ang Vietnam na tanggalin ang Dreamworks animated film na “Abominable” pati na rin ang action movie na “Unchartered” at Australian spy drama na”Pine Gap” ng Netflix dahil sa kaparehimg dahilan.

Nakatakdang ipalabas sa Pilipinas ang “Barbie”, fantasy-comedy film nina Margot Robbie at Ryan Gosling na siyang gumanap bilang Barbie at Ken sa July 19. Ito ay mul sa direksyon ni Greta Gerwig.

Related Chika:
Barbie Imperial huli sa CCTV, sinugod ang Vivamax artist na ‘nang-agaw’ sa ex niya?

Vice Ganda: ‘Bagay si Barbie sa It’s Showtime, I love her vibe!’

Read more...