Isko sa bakbakan ng 3 noontime show: ‘Let’s not create hate…na para tumaas ka, aapakan mo yung likod ng may likod at paa ng may paa’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Isko Moreno, Buboy Villar at Paolo Contis
ANG dating Mayor ng Maynila na si Isko Moreno ang tumatayong tatay-tatayan at kuya ng mga bagong hosts ng “Eat Bulaga” sa GMA 7.
Isa siya sa mga nagpapalakas ng loob ngayon ng mga kasamahan niya sa nasabing programa sa gitna ng mas umiinit pang bakbakan ng mga noontime show sa bansa.
Nu’ng maganap ang unang tapatan ng “Eat Bulaga” ng GMA, “It’s Showtime” ng ABS-CBN at GTV at ng bahong show nina Tito, Vic & Joey sa TV5, ang “E.A.T.” last Saturday, July 1, may ibinahaging advice si Yorme sa mga kasamahan niya sa kanilang show.
Kuwento ni Isko sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, July 3, bago sila sumalang sa live airing ng “Eat Bulaga”, nag-usap-usap muna ang lahat ng hosts at production staff.
“Nasa isang room kami, and I told them, ‘Guys, I’ve seen so many failures in life, I’ve seen success, I’ve seen challenges, but one good thing about today, we’re gonna be part of history.’
“‘Let’s enjoy this afternoon because at the end of the day, tao ang mananalo dito,'” pahayag ng dating alkalde at presidential candidate.
Aniya pa “Ngayon, ang noontime show, buffet na, marami ng choices ang ating mga kababayan. Nothing to prove. Just be the best you can be.”
Ipinaliwanag din ng TV host na “understandable” naman kung matalo sila sa ratings game ng dalawang kalaban nilang programa.
“That’s understandable because there’s so much hype and drama that happened in the past weeks and days.
“Kami naman, basta tayo, focus tayo, ang gawin nating ‘Eat Bulaga’ ngayon, hindi na tungkol sa mga host, tungkol na sa mga viewers, maging viewers-centric tayong show, ilapit natin yung ‘Eat Bulaga’ sa kanila,” paliwanag ni Isko.
Ipinagdiinan din ni Yorme na siguradong may mga positibo namang mangyayari sa nagaganap na “healthy competition” sa tapatan ng tatlong noontime show.
“If there will be a buffet, lalabas lahat ng galing ng mga artista, kasi may kumpitensya,” sey pa niya.
“Kumbaga ang point ko, let’s not create hate and expect somebody to fail for you to go up na para tumaas ka, aapakan mo yung likod ng may likod, o paa ng may paa,” ang mensahe pa ni Yorme.
Sa lumabas na resulta ng rating last July 1, nag-number one ang “E.A.T.”, pumangalawa ang “It’s Showtime” at ikatlo ang “Eat Bulaga.”