Vice Ganda: ‘Bagay si Barbie sa It’s Showtime, I love her vibe!’

G na G, as in game na game ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza sakaling kunin siya bilang regular host ng Kapamilya noontime program na “It’s Showtime”.

Ito’y matapos ngang mag-trending ang guesting niya sa Kapamilya noontime program last Saturday, July 1, kung saan nagsanib-pwersa nga ang mga artists ng GMA at ABS-CBN para sa unang araw ng pagpapabas ng “Showtime” GTV na isa sa mga free-TV ng Kapuso Network.

In fairness, talaga namang nagpakitang-gilas ang Kapuso actress sa kanyang  performance kasama ang Kapamilya stars na sina Kim Chiu, Alexa Ilacad at Belle Mariano.

Pagkatapos ng kanilang production number ay ipinakilala ni Kim sina Alexa at Belle at huling-huli nga si Barbie, “At siyempre, ang Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza!”

Baka Bet Mo: Billy Crawford sa paglipat ng ‘It’s Showtime’ sa GTV: ‘I’m very happy they’re still not left behind…’

Isang bouquet of flowers ang ibinigay sa kanya na ikinagulat pa niya sabay ngiti na parang kilig na kilig, “Thank you! Maraming salamat, Showtime family!”

“Thank you, Barbie,” sabi naman sa kanya ni Vice.

Hirit ni Barbie, “Puwede po bang bumati?” Na sinagot agad ni Vice ng, “Go, Barbie.”

At bigla na nga siyang sumigaw ng, “What’s up, madlang peopleeeeee?!” Na sinundan ng palakpakan at hiyawan ng lahat ng nasa studio.

“We love Barbie,” hirit pa ni Vice kasabay ng pagsasabing mukhang matagal na raw gustong isigaw ng Kapuso actress ang opening greeting ng mga hosts ng “It’s Showtime”.

Kasunod nito, nag-tweet din si Vice at ang iba pang hosts ng “It’s Showtime” patunay lang na talagang nag-enjoy at nagustuhan nila ang guesting ni Barbie sa Kapamilya noontime show.

Tweet ni Vice Ganda, “Bagay si Barbie sa It’s Showtime. I love her vibe.” Na sinagot agad ni Barbie ng, “Omg! Maraming salamat po! G na G po ako!”

Nag-post din sa kanyang Twitter si Kim, “Nice to finally meet you barbie!” Reply ng Kapuso star sa kanya, “Honored to have shared the dance floor with you po, Captain!”

Biro naman ni Jugs kay Barbie sa kanyang tweet, 11 am daw ang call time nila sa Monday episode ng “It’s Showtime” na parang pinagre-report na siya sa programa.

Ang G na G namang reply ni Barbie, “Waaahhh!!! Copy po eme!”

Bukod kay Barbie, ang iba pang Kapuso stars na nag-guest sa “It’s Showtime” last Saturday ay sina Pokwang, Sanya Lopez, at magkapatid na Rayver Cruz at Rodjun Cruz.

Related Chika:

Kuya Kim, Joross, Kakai kumampi kay Michael V sa isyu ng content creator: ‘Amen brother! It’s not about views, it’s about value’

Read more...