Joross may 3 pelikulang gustong idirek, bagay na bagay daw kina Alessandra, Angel, Judy Ann at Bea

Joross may 3 pelikulang gustong idirek, bagay na bagay daw kina Alessandra, Angel, Judy Ann at Bea

Joross Gamboa, Judy Ann Santos at Angel Locsin

KUNG may isang character actor ngayon na talaga namang binabagyo ng swerte ngayong 2023, yan ay walang iba kundi si Joross Gamboa.

Bukod sa pelikula nila ni Paolo Contis na “Ang Pangarap Kong Oskars” na showing na ngayon sa mga sinehan, may teleserye pa siya sa GMA at ka-join din siya sa reunion movie ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Kasama si Joross sa Kapuso drama series na “The Missing Husband” na pinagbibidahan nina Sophie Albert, Rocco Nacino, Yasmien Kurdi, Max Eigenmann at Jak Roberto.

Isa rin siya sa mga napiling cast members para sa upcoming Star Cinema movie na “Rewind” starring Dingdong and Marian na magsisimula nang mag-shooting next month.

Sa nakaraang mediacon at premiere night ng “Ang Pangarap Kong Oskars” mula sa Mavx Productions, sinabi nga ni Joross na saludo siya sa galing ni Paolo bilang aktor dahil bukod sa pagiging comedian ay kering-keri din nitong magdrama.


Natanong din siya ng press people kung ano ang maipapayo niya kay Paolo sa gitna ng mga kinakaharap nitong kontrobersiya, kabilang na ang ginagawang pamba-bash sa kanya ng mga loyal fans nina Tito, Vic & Joey na nag-resign sa TAPE Incorporated na siyang producer ng “Eat Bulaga” kung saan host nga ngayon ang aktor.

Sagot ni Joross, “Magpapayo lang ako kung kailangan or nagtanong. Mature na ang mga friends ko. Matatalino sila. Matatanda na.

“Ayoko ng payo nang payo sa kanila. Ang importante lang kasi talaga, mapalapit ka muna kay Lord. Then everything follows. Bago ang relationship niyo, ‘yung relationship niyo muna kay Lord ang mauna,” ang punto ng aktor.

Samantala, may tatlong material na pala si Joross na balak niyang idirek at i-pitch sa mga producers. Aniya, “Gusto ko, ‘yung idi-direct ko, ako rin ang magsusulat.

“One is a sports comedy with a twist. Magugustuhan ito ng mga bagets because the treatment is light. About basketball, ako ‘yung bida. Sayang dahil ako na rin ang nag direct, pero hindi ako ‘yung magaling.


“Ang bida ‘yung storya. Inspired by Stephen Chow’s kind of comedy. Gusto kong leading lady si Alessandra de Rossi. Isa siya sa pinakamagaling na leading ladies pagdating sa batuhan ng linya.

“Kapag nag-absorb siya, may ibinabalik siya agad sa ‘yo. Magaling siyang artista. Laging may makukuha ka agad sa kanya. Magaling siya sa comedy at drama,” papuri niya kay Alex.

Ang ikalawa naman ay tungkol sa isang taong may cancer at kung paano nito naapektuhan ang kanyang pamilya, “Personal experience ko rin dahil ang mommy ko nagka-cancer, but gumaling na rin siya. But my lola died of cancer in 2017, before the pandemic.

“Ang gusto kong bida, Angel Locsin or si Juday (Judy Ann Santos). Tatlong may cancer then may nag-aalaga sa kanila. May pagka-‘Patch Adams’ na babae ang story. We can include Bea Alonzo. Then isang bata,” kuwento pa ni Joross.

At ang ikatlo ay isang romantic-comedy with a twist uli, “Pwedeng digital or even global, but isipin mo kung paano ang atake.

“Siyempre, dapat merong influence of our culture, dapat may touch of Filipino. Bagong artista ang gagamitin ko. Pwedeng i-audition namin,” chika pa ni Joross Gamboa.

Bakit tinawagan ni Joross si Arjo habang nasa kalagitnaan ng operasyon?

Joross parehong kinumusta ang mga kaibigang sina Paolo at Ryan sa kasagsagan ng isyu ng ‘Eat Bulaga’: ‘Hindi ka basta-basta kakampi’

Read more...