Zia tumatayong mommy ni Sixto kapag wala si Marian: ‘Matured na talagang mag-isip kaya nakaka-proud siya bilang ate’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Marian Rivera, Dingdong Dantes, Zia at Sixto Dantes
TALAGANG ipinaliwanag mabuti ng Kapuso Royal Couple na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa kanilang mga anak kung bakit kailangan nilang mawala sa bahay nang matagal-tagal na panahon.
Bukod sa kani-kanilang teleserye sa GMA, naghahanda na rin ang mag-asawa para sa kanilang reunion movie under Star Cinema, ang “Rewind.”
Babalik na uli si Marian sa paggawa ng serye kung saan makakatambal nga niya ang Ultimate Leading Man na si Gabby Concepcion at pagkatapos nito ay sesegue naman siya sa comeback movie niya with Dingdong.
Sa launching ng bagong beauty company ng matagumpay na negosyanteng si Rhea Anicoche Tan, ang BlancPro kung saan ipinakilala si Marian bilang first ever celebrity endorser, nagbahagi ang aktres kung paano nila ipinauunawang mag-asawa kina Zia at Sixto kung bakit kailangan nilang umalis ng bahay para magtrabaho?
“Simple lang, time management. And siguro maganda na open yung communication ko sa kids. At kahit bata pa sila, ine-explain ko sa kanila,” simulang pagbabahagi ng Kapuso actress nang makachikahan ng press last June 29.
Ipinapaliwanag daw niyang, “’Ito ang gagawin ni Mama.’ ‘Ito yung mga times na wala si Mama.’ O, ‘Ito yung mga times na free si Mama,’ masasamahan ko, makakapasyal tayo.
“So I’m very open, especially to Zia. Si Zia kasi, medyo mature na talaga ang isip. Naiintindihan niya na. So kapag wala ako, sasabihin ko sa kanya, ‘Bahala ka sa kapatid mo, ha? Ikaw ang tatayong mama ni Sixto kapag wala si Mama.’
“Nanay-nanayan naman siya. Matured kasi mag-isip si Zia, e. Nakaka-proud siya bilang ate.
“So, may mga ganu’ng conversation na kami. At talagang mahalaga na wala pa man, hindi pa man nangyayari, nabibigay mo na ang schedule ahead of time sa kanila,” esplika ng wifey ni Dong.
Aniya pa, “Mas maganda kasi na sinasabi mo sa mga bata. Hindi yung one week before, aalis na pala ako, may taping na pala ako. So, mas maganda, months pa lang, alam nilang magwo-work si Mama. So, handa yung isip at puso nila na mawawala ako.
“But mabilis lang naman. Four months lang. Ha-hahaha! And then after, go back na uli kami. Back na uli ako sa kanila sa school.”
Samantala, dahil sa tagumpay ng premium beauty and wellness brand na Beautéderm, ipinakilala na nga sa media at merkado ng President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan ang bago niyang kompanyang BlancPro.
Bagong player ito sa beauty industry na nagbibigay ng epektibong skincare products sa mababang halaga na mabibili ng masa. Layunin nito na tulungan ang consumers na mapanatili at ma-improve ang “glow” nila.
“BlancPro is tailored to cater to consumers who seek effective yet budget-friendly skincare products. What sets BlancPro apart is its use of quality ingredients, carefully formulated to suit all skin types,” pahayag ni Rei Tan.
Ipinaliwanag ng respetadong negosyante ang commitment ng bago niyang “baby” sa inclusivity, simplicity, at affordability. Dito sa bagong empire ni Tan, mayroong mga produkto na sasagot sa skin concerns ng consumers.
“Marian Rivera has been a dear friend for many years. She embodies grace, confidence, and beauty. Through the years, subok ko nang isa siyang totoong kaibigang maaasahan,” pahayag pa ng successful businesswoman.
Sabi naman ng Kapuso Primetime Queen, “Ate Rei is an inspiration to everyone—especially to aspiring entrepreneurs. Hangang-hanga talaga ako sa kanya when it comes to business. She is the real deal.
“She knows what she’s doing and she really knows her consumers. I am forever grateful for her trust and for the trust of her new company. I believe in the products. At mahal na mahal ko si Ate Rei,” aniya pa.