ISANG linggo na lamang ay magbubukas na ang 2013 PBA D-League ngunit hanggang ngayon ay hindi pa malaman ni NLEX coach Boyet Fernandez kung anong klaseng koponan ang kanyang mabubuo.
Wala na sa koponan sina 7-footer Greg Slaughter, shooting guard RR Garcia at forward Eric Camson nang magdesisyon sila na umakyat na sa PBA. Ang tatlo ay nagpatala sa PBA Rookie Draft na gagawin sa Nobyembre 3.
Nakatali rin si Fernandez sa kanyang trabaho bilang head coach sa three-time defending champion San Beda at ang NCAA ay inaasahang matatapos sa ikalawang linggo pa sa buwan ng Nobyembre.
Dahil dito, kahit ang mga napupusuang manlalaro sa NCAA ni Fernandez ay hindi pa rin maaaring magsanay sa NLEX dahil ipinagbabawal ito sa alituntunin ng pinakamatandang collegiate league sa bansa.
Ang 2013 PBA D-League Aspirants’ Cup ay magbubukas sa Oktubre 24 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. — Mike Lee
dahil hahangarin ng koponan na bumangon matapos mabigo sa pinuntiryang ikalimang sunod na kampeonato.
Natalo ang koponan sa Blackwater Sports sa nakalipas na conference upang wakasan ang apat na sunod na kampeonato sa D-League.
“Hindi ko pa alam kung sino ang mga matitira at kung sino ang puwedeng maidagdag. Hopefully, we can still be competitive this conference and defend our crown,” wika ni Fernandez.
May 14 teams ang maglalaban-laban sa torneo na kung saan ang unang anim na koponan matapos ang single-round robin ang aabante habang ang nalalabing walong teams ay mamamaalam na.
Ang mangungunang dalawang koponan ay didiretso na sa semifinals habang ang sunod na apat na koponan ay sasalang sa crossover quarterfinals at ang number three at four teams ay may twice-to-beat advantage.
Bukod sa NLEX at Blackwater, ang iba pang beterano ng liga ay ang Big Chill, Cebuana Lhuillier, Café France, Boracay Rum, Cagayan Valley, Hog’s Breath at Jumbo Plastic.
Ang mga baguhan ay ang Arellano University, Banco de Oro, Derulo Accelero Oilers, Zambales M-Builders at Wang’s Basketball Team.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.