Sharon biniro sina Alden at Maine bago kantahin ang ‘Bituing Walang Ningning’, ano kayang reaksyon ng AlDub fans?

Sharon biniro sina Alden at Maine bago kantahin ang 'Bituing Walang Ningning', ano kayang reaksyon ng AlDub fans?

Alden Richards, Maine Mendoza, TVJ at Sharon Cuneta

SIGURADONG nagulat ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza nang biruin at tuksuhin ni Megastar Sharon Cuneta kay Alden Richards.

Si Ate Shawie ang nakasama nina Tito, Vic & Joey sa kanilang finale number kung saan kinanta nila ang classic OPM hit na “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” na sinabayan pa ng audience

Pagkatapos nito ay hiniritan ng TVJ si Mega na kantahin ang isa sa mga hit song niya at paborito pa ring kantahin ng mga Pinoy, ang “Bituing Walang Ningning.”


Game na game namang kinanta ito ng singer-actress kasabay ng birong paalala sa mga manonood na ugaliing magpaalam muna sa mga pinupuntahang party bago magpabalot ng pagkain.

Naging “themesong” na kasi ang nasabing kanta ng mga may pa-take out sa party partikular na ang mga lyrics na, “Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal…” dahil nga sa mga nagpapabalot ng tirang pagkain.

At bago nga ito kantahin ni Sharon ay tinawag muna ang pangalan ni Maine at ibinalitang may kasama raw siya ngayon sa shooting, at binanggit nga ang pangalan ni Alden.

Baka Bet Mo: Alden Richards nagsalita na sa isyu ukol sa kanilang AlDub supporters: Hindi ako property ng kahit sino

“Maine, congrats ha! Nag-shooting ako ngayon, may kasama ako. Yung anak kong bago, yung bago kong son, yung pangalan niya Alden,” sabi ni Mega.

Nakangiting sagot ni Maine, “Congrats po sa movie ninyo Ms. Sharon.”


Sey uli ni Shawie, “Pero congrats ha. Hi, Alden! Nandito si Maine. Hi Direk Nuel (Naval).” Na sinabayan naman ng tawanan ng mga Dabarkads at studio audience.

Patunay lang ito na isa pa ring certified AlDub fan si Mega at halatang kinikilig pa rin siya sa dating magka-loveteam. Ang akala nga namin ay si Arjo Atayde ang tinutukoy ni Sharon pero si Alden pala.

Hindi na ipinakita sa camera si Maine after ni Sharon para sana nasaksihan ng buong mundo ang naging reaksyon niya. Pero sure kami na kinilig din ang mga loyal AlDub fans sa mga sinabi ni Sharon.

Ano kayang reaksyon ng mga fans nina Maine at Alden sa panunukso ni Sharon? I-BANDERA na yan!

Anyway, ang tinutukoy ni Sharon na project nila ni Alden ay ang pelikulang “A Mother And Son’s Story” mula sa direksyon ni Nuel Naval.

Sarah napaluha nang kantahin ang Sana Ngayong Pasko: Minsan mahirap pa ring maging positive, pero…

Herlene Budol nag-sorry matapos halikan si Alden: Baka kasi mabaho ‘yung hininga ‘ko kaya umayaw siya!

Read more...