Ellen Adarna ibinunyag na ‘doble’ magbigay ng sustento si John Lloyd Cruz sa anak na si Elias

Ellen Adarna ibinunyag na ‘doble’ magbigay ng sustento si John Lloyd Cruz sa anak na si Elias

Ellen Adarna, Elias, John Lloyd

GALANTENG magbigay ng sustento sa anak ang award-winning actor na si John Lloyd Cruz.

Ito ang ibinunyag mismo ng kanyang dating partner na si Ellen Adarna sa social media.

Sa Instagram Story, nagkaroon ng question and answer portion ang aktres at may isang netizen ang na-curious kung sinusustentuhan ng aktor ang anak nila na si Elias.

Tanong ng netizen, “Did JLC support Elias financially?”

Agad itong sinagot ni Ellen at sinabing, “Yes, he does.”

Kwento pa niya, mismong si John Lloyd pa ang nagtanong kung magkano ang dapat niyang ibigay.

Sinabi raw niya na sampung libo, ngunit kusa raw nitong dinodoble ang ibinibigay kada buwan.

Baka Bet Mo: John Lloyd humanga kay Derek dahil magandang impluwensiya sa anak nila ni Ellen: OK kaming lahat

Kwento ni Ellen, “He asked me how much does Elias need. I gave him a breakdown, just his basic needs and that’s P10,000 max. But he insisted on doubling it.”

“I know he’s more capable of giving more than that, but I told him I cannot accept anything more than P20,000,” sey pa niya.

Ayon pa sa aktres, nilimitahan lang niya ang hinihinging sustento sa dating partner dahil alam niyang may obligasyon din siya na dapat tuparin para sa kanilang anak.

“And because we’re co-parenting, I have obligations and responsibilities for Elias, so it’s just fair,” sambit ni Ellen.

Ani pa niya, “Anything more than P20,000 for me is just not right because he’s not schooling yet, he hasn’t started school. So that’s just basic needs.”

Matatandaan taong 2017 nang maging mag-dyowa sina Ellen at John Lloyd.

Matapos ang isang taon ay isinilang na ni Ellen ang kanilang anak na si Elias at pagdating ng 2019 ay opisyal nang naghiwalay ang dalawa.

Related Chika:

Paolo durog na durog dahil sa isyu ng sustento, payo ng netizens kay Yen: ‘Huwag kang papabuntis diyan, iiwan ka rin niyan!’

Read more...