WALA talagang pinipili ang mga epal na scammers, biruin niyo, pati ang dating beauty queen at batikang aktres na si Gloria Diaz ay nabiktima rin!
Chinika ‘yan mismo ng kanyang anak na aktres na si Isabelle Daza sa pamamagitan ng Instagram Stories.
Ibinandera ni Isabelle ang nakuhang package ng kanyang nanay mula sa online shopping app na Lazada.
Kwento pa ng aktres, imbes na produkto na inorder ay puro tissue paper ang naging laman nito.
“My mom just ordered something from Lazada and was scammed,” sey sa caption ni Isabelle.
Ani pa niya, “What arrived was tissue paper.”
Tila hindi makapaniwala ang anak ni Gloria at tinanong pa ang madlang pipol kung madalas ba ito nangyayari sa Lazada.
Sa iba pang IG Stories ni Isabelle ay makikita ang ilang mensahe ng netizens na ibinahagi ang kanilang karanasan matapos ma-scam.
Sabay tanong pa ng aktres, “How do we prevent these type of scams?”
Sa panahon ngayon, tila dumadami na talaga ang scammers online at Iba-iba na rin ang mga nagiging diskarte nila.
Bukod sa pekeng delivery, may ilang gumagawa pa ng pekeng endorsement ng produkto upang makakuha ng customers.
Tulad ng nangyari kila Megastar Sharon Cuneta, batikang aktor na si Tirso Cruz III, talent manager na si Ogie Diaz at marami pang celebrities na ginagamit ang kanilang pangalan at litrato para makabenta.