Coco, Vice, Richard patuloy pa ring mapapanood sa TV5, tuloy ang bonggang collab ng Kapatid at Kapamilya
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Coco Martin, Vice Ganda at ang mga executives ng ABS-CBN at TV5
HINDI pa rin mapuputol ang ugnayan at pagko-collab ng ABS-CBN at TV5 kahit may mga isyung naglalabasan hinggil sa mga kaganapan sa mundo ng telebisyon.
Yes, mapapanood pa rin sa Kapatid Network ang ilang mga programa ng ABS-CBN sa loob ng limang taon, matapos ang naganap na contract-signing sa pagitan ng dalawang media and production company.
Muling nagsanib-pwersa ang mga executives ng Kapatid at Kapamilya network sa naturang contract signing sa pangunguna nina ABS-CBN Chairman Mark Lopez at MediaQuest Holdings Chairman Manny Pangilinan.
Mapapanood sa TV5 ang ilan sa mga top-rating Kapamilya programs tulad ng “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin, “The Iron Heart” ni Richard Gutierrez, “Dirty Linen” nina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo, at ang “The Tale of Nokdu” sa Primetime Bida mula Lunes hanggang Biyernes.
Pagsapit naman ng weekend, mapapanood ang “Everybody Sing” ni Vice Ganda tuwing Sabado ng gabi at “ASAP Natin ‘To” every Sunday afternoon.
Bukod dito, malapit na ring mapanood ang latest collaboration series ng dalawang network, ang “Pira-Pirasong Paraiso” at “Nagbabagang Damdamin.”
“We are very happy to sign this new agreement for the next five years. It’s a partnership which we’ve been very happy with. I think there are a lot of opportunities that we can do together,” ayon kay Chair Mark Lopez base sa ulat ng ABS-CBN.
“I think we have a lot of programs in store for our audience moving forward so tuloy-tuloy lang. We’ll make sure that we make the right content for everyone,” aniya pa.
Sabi naman ng TV5 president and CEO na si Guido Zaballero “We are also working with ABS-CBN for co-prods for the afternoon and continue to develop good content together.
“We intend to strengthen our partnership with ABS-CBN. Like they say, stronger together. It is our firm belief that by solidifying it with the five-year partnership, we can also grow together,” dagdag pa niya.
Present din sa naganap na contract signing sina ABS-CBN president and CEO Carlo Katigbak, chief operating officer for broadcast Cory Vidanes, chief partnership officer Roberto Barreiro at head of finance operations Catherine Lopez.
Sa team naman ng TV5, naroon din sina MediaQuest president and CEO Jane Jimenez-Basas, PLDT head of business transformation Victorico Vargas at TV5 chief finance officer Pierre Paul Buhay.