OPISYAL nang dini-disbar ng Korte Suprema mula sa pagiging abogado si Lorenzo “Larry” Gadon dahil sa pambabastos nito sa isang mamamahayag.
Nitong araw, June 28, naglabas ng official statement bilang pagbibigay alam sa publiko ang naging resulta ng kanilang botohan hinggil sa disbarment ng newly appointed Presidential Adviser for Poverty Alleviation.
“By a unanimous vote of 15-0, the Supreme Court En Banc resolved to disbar Atty. Lorenzo “Larry” Gadon for the viral video clip where he repeatedly cursed and uttered profane remarks against journalist Raissa Robles,” bahagi ng pahayag na inilabas ng Supreme Court.
Ayon rin sa SC, nalabag nito ang Canon II on Propriety, of the Code of Professional Responsibility and Accountability, “which imposes that a lawyer shall, at all times, act with propriety and maintain the appearance of propriety in personal and professional dealings, observe honesty, respect and courtesy, and uphold the dignity of the legal profession consistent with the highest standards of ethical behavior.”
Ilang oras matapos ang paglalabas ng official statement ng Supreme Court PIO sa kanilang Twitter page ay nagbigay rin si Gadon ng kanyang phayag ukol sa nangyari.
Ayon sa kanya ay magpa-file siya ng Motion for Reconsideration sa naging desisyon ng Korte Suprema.
“My remedy and reaction to this is to file a Motion For Reconsideration on the ground that the penalty is too harsh for the alleged cause which was my outburst against a reporter who was blatantly spreading lies against Pres BBM (Bongbong Marcos) during the campaign period intended to fool the public on issues intended to cause damage to the candidacy of Pres Ferdinand Marcos Jr.,” lahad ni Gadon.
Baka Bet Mo: Kadaldalan ni Gadon sinita ng House leader
Aniya, hindi rin daw makakaapekto ang desisyon ng Korte Suprema sa kanyang posisyon sa administrasyon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation.
“The position and the task given to me by the President do not require lawyering hence my suspension and disbarment have no effect on my appointment,” saad pa ni Gadon.
“I will just approach this issue on a personal concern, file a motion for reconsideration and proceed in facing the challenges of the job and aim to serve the public in my best capability,” dagdag pa niya.
Naganap ang disbarment ni Gadon dalawang araw matapos ang anunsyo ng Malacañang ng kanyang pagkaka-appoint bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation.
Ayon naman sa Malacañang ay hindi nito babawiin ang pagkaka-appoint nito sa bagong posisyon sa kabila ng SC ruling.
“He [Gadon] will continue on his new role as Presidential Adviser on Poverty Alleviation as there are urgent matters that need to be done in the President’s anti-poverty programs,” ani Executive Secretary Lucas Bersamin.
“The President believes he will do a good job,” dagdag pa niya.
Iba pang mga Balita:
Jayke Joson sinampahan ng cyberlibel si Annabelle Rama: Hindi ka rin namin aatrasan doon
Ogie Diaz nag-react sa post na kuning endorser ng Facebook si Toni Gonzaga