Pia Cayetano, Alam Peter Cayetano at Boy Abunda
HINDI napigilang purihin ng mga host ng “CIA with BA” na sina Sen. Alan Peter, Sen. Pia Cayetano at Boy Abunda si Nanay Feliza.
Inireklamo siya sa nasabing programa ngunit nakatanggap pa rin ng tulong dahil sa kanyang pananaw sa buhay.
Nitong Linggo, June 25, muling ipinalabas ang episode kung saan dumulog ang dalawang babae (sina Soledad at Margie) para sa tulong at payo ng public service program tungkol kay Nanay Feliza na inaalagaan ang anak na si Alvin sa kabila ng mga kaguluhan na idinudulot daw nito sa komunidad.
Inamin ni Nanay Feliza na si Alvin ay may problema sa pag-iisip, at sa halip na isipin ang sarili bilang mga biktima, ang paglapit nina Soledad at Margie sa programa ay naging tanda ng pagmamalasakit sa matanda, kay Alvin, at sa mga kapitbahay.
Sa pagtatapos ng segment, nakumbinsi si Nanay Feliza na dalhin si Alvin sa isang mental health expert at pati na rin ipa-check-up ang kanyang sarili sa doktor dahil siya ay may edad 72 na rin.
Baka Bet Mo: Boy Abunda, Alan Peter Cayetano ramdam na ramdam ang bigat ng kalooban ng mga nagrereklamo sa ‘CIA with BA’
“What she’s been through, tapos steady lang siya… ‘kahit ‘di ako kumain, makakain lang ‘yung anak ko, intindihin nila, may sakit ang anak ko!’,” saad ni Sen. Pia.
“Ganda ng attitude niya. Parang ‘yung mundo, tinapon lahat sa kanya pero ‘basta’t maghahanap-buhay ako, eto ako, mag-iipon ako ng extra (money),” sabi naman ni Sen. Alan.
“Pero akala mo naman ‘yung extra niya, savings na malaki… but pambili lang ng bigas at kaunting ulam, pinakasimpleng ulam for one or two more days then wala na naman, but ‘yung attitude niya ‘di ba, talagang fighting attitude. So God bless her,” aniya pa.
Para naman kay Tito Boy, ang pinakaaral mula sa sitwasyon ni Nanay Feliza ay patuloy na bilangin ang biyaya.
“Let’s count our blessings. At kapag nagkaroon tayo ng pagkakataong tumulong, to share, do it,” sabi ng award-winning talk show host.
Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng legasiya ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.
Si Sen. Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.
Patuloy na tutukan ang “CIA with BA” hosted by Alan, Pia, and Boy, airs every Sunday at 11:30 p.m. sa GMA 7.
‘Ina laban sa anak’: Mga isyu sa relasyon ng pamilya tutugunan ng ‘CIA with BA’
Payo ng ‘CIA with BA’ sa mga tatay na patuloy na nagsasakripisyo para sa pamilya: ‘Laban lang!’