Yan ang tanong ng mga netizens nang mag-post ang komedyante sa kanyang Facebook account tungkol sa katatapos lang na international pageant para sa mga transgender woman.
Nag-share kasi si Juliana ng photo ni Miss Puerto Rico na isa sa mga naging kandidata sa Miss International Queen 2023 kung saan naging representative ng Pilipinas si Lars Pacheco.
Kalakip ng FB post ni Juliana ang litrato niya noong nanalo siya sa Miss Q&A na may caption na, “Babawi tayo next year Ate… pangako ‘yan,” with matching hashtag na #MIQ2024.
Wala namang nabanggit ang komedyante kung seryoso ba ang balak niyang pagsali sa susunod na edisyon ng Miss International Queen