Trina Candaza kinakarir ang training sa boxing, hirit ng netizen: ‘Practicing to beat up Carlo Aquino!?’

Trina Candaza kinakarir ang training sa boxing, hirit ng netizen: 'Practicing to beat up Carlo Aquino!?'

Carlo Aquino at Trina Candaza

KAALIW ang reaksyon ng followers ng social media influencer na si Trina Candaza na nagte-training ngayon sa boxing.

Ayon sa mga netizens, mukhang may pinaghahandaan daw ang nanay ni Enola Mithi Candaza Aquino.

Si Trina ang ex-girlfriend ng aktor na si Carlo Aquino at may isa silang anak, si Mithi nga.


Nakakaapat na sesyon na si Trina sa training niya sa boksing at alam naman ng lahat na magandang workout ito para sa kalusugan ng katawan.

Nag-post si Trina ng video sa Instagram account niya kung saan mapapanood ang sparing nila ng kanyang coach, “4th sesh @coachjayboxing.”

Nagkomento kaagad ang netizen na si @iking311, “Practicing to beat up Carlo Aquino.”

Susog naman ni @ermamagbanlac, “Parang galit ang bawat suntok .”

Sabi ni @n0.wel, “Kung ganyan ka ganda tinitrain ko. Libre ko na si Mam.”

Baka Bet Mo: Carlo Aquino pinayuhang dumulog sa korte para makasama ang anak kay Trina Candaza

Mula kay @yosuplynwoo, “Kapow!!!!”

Ayon kay @jumesh2004, “Galing.”

Clapping hands emoji naman ang komento ni @obiwankenobin, “Linis.”

Iba naman ang napansin ni @lyrazell, “Shoes.”

Say ni @jdraeta, “sexy.”


Dahil nagandahan sa shoes ay nagtanong na si @ohhbabes_, “Hello miss @trinacandaza where to buy those shoes? thank you.” At sinagot naman ito ni Trina, “Nike.”

Anyway, opinyon naman ni @joy__2752, “This is really advisable for each in every woman, we’re now living in the world full of predators. Self defense is really important in every worst situation. karate, taekwondo, judo, boxing, or just learning a bit of that can help a lot.”

Samantala, bukod sa boksing ay nag-aaral ding mag-motor si Trina base rin sa isa pa niyang video post.

Ang caption ay, “My first big bike training. Thank you so much coach @motorclyde, @coach_tanie_ortzz, and coach Erwin.

“Ang galing niyo mag turo and haba ng patience!

“Thank you Santos family! @shyleenaherrera, @river.aletheia, and @j.c.santos for arranging this and sa pag papahiram ng helmet and longsleeve!

“Thank you @chesteroid and @kendrachy for the shots!  @ode.demagante @kongsanity7
@motorclyde.training.center.”

Pacquiao binisita nina Jordan Clarkson at Apl.de.ap habang nagte-training sa Wild Card gym

Lovi Poe palaban, walang inaatrasang tanong sa presscon; pasabog ang bagong project sa ABS-CBN

Read more...