Kaladkaren napaiyak sa presscon ng Star Magic, inialay ang tagumpay sa LGBTQ community: ‘I never thought that I’m gonna reach this far’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Kaladkaren
CRY kung cry ang award-winning actress-TV host na si Kaladkaren nang pumirma na siya ng kontrata sa Star Magic kahapon.
Hindi napigilan ni Kaladkaren o Jervi Li sa tunay na buhay, ang maging emosyonal sa pa-presscon na ibinigay sa kanya ng Star Magic upang ibandera ang mga projects na gagawin niya sa mga susunod na buwan.
Ayon sa impersonator ni Karen Davila, hindi raw niya akalain na mabibigyan siya ng chance na maging bahagi ng talent management arm ng ABS-CBN habang inaalala ang naging journey niya sa entertainment industry.
“Nakakaiyak pala ‘yung ganito. Kasi ‘yung sa AVP (audio-visual presentation) nakita ko kung paano ako nagsimula. And I never thought that I’m gonna reach this far.
“I am so happy and blessed. Thank you Star Magic for trusting me, KreativDen and for God for putting me to this place. I know there’s a purpose behind it.
“And, I will serve my purpose and I am always praying to be an inspiration to a lot of people. I don’t want to be self-serving all the time, I want the LGBTQIA+ community to be part of my journey all the time,” pahayag ni Kaladkaren.
Siyempre, super proud din sa kanya an Star Magic head na si Lauren Dyogi, na present din sa naganap na contract signing.
“Alam mo naman Jervi you embodied the attributes of what a Star Magic artist is. You strive for excellence, you are very talented, we know that. You stand for other people.
“Sabi mo nga kanina, gusto mo may silbi ‘yung pagiging artista mo. This is not only to glorify yourself but really to inspire other people. And we would like to thank you for honoring us with your presence in Star Magic.
“We are excited to work with you and this journey will be exciting not only for KreativDen, Star Magic, for ABS-CBN but also for the entire film industry and entertainment industry of the Philippines. So welcome Jervi, welcome to Star Magic and ABS-CBN,” mensahe ng ABS-CBN executive kay Kaladkaren.
Dagdag na pahayag pa ni Kaladkaren ngayong Star Magic artist na siya, “Bata pa lang ako may mga Star Circle batch ganito, ganyan.
“So nu’ng bata ako iniisip ko na posible kaya para sa isang taong katulad ko na maging parte ng ganitong kalaking ahensiya ng mga artista. Star Magic kasi has produced the A-listers of the industry since time immemorial.
“Parang lahat ng mga sikat at mga pinag-uusapan, napaka-talented na mga tao ay naging sa Star Magic. It’s such an honor and privilege for me to be a part of this family,” lahad ng proud transwoman actress.
Pagbabahagi pa niya, “I have arrived in the doorstep I believe, nasa simula pa lang. This is only just the beginning. At lagi kong sinasabi sa mga interviews ko that the possibilities are endless.
“Marami pa tayong puwedeng gawin at mas marami pa tayong pintuang pwedeng buksan kasama ang mga taga-LGBTQIA+ community. And ito pong oportunidad na ito ay inaalay ko rin para sa mga taong katulad ko.
“Gusto ko hindi lang siya sa akin nangyayari. Gusto ko mas marami pang taong mabigyan ng ganitong klaseng opportunity. Para nga naman sabi ni direk Lauren kanina may kabuluhan yung pag-aartista mo,” dugtong pa niya.
Masayang ibinalita ni Kaladkaren na bukod sa pagiging segment host sa news program ng TV5 na “Frontline Pilipinas,” meron din siyang gagawing reality show, teleserye at pelikula.