Regine Velasquez naging malaking bahagi ng pag-come out ni Mela Habijan bilang transwoman, tinanggap agad ng ama
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Mela Habijan at Regine Velasquez
NAPAKALAKI palang bahagi ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa pag-come out ni Miss Trans Global 2020 Mela Habijan bilang isang transgender.
Kuwento ng Kapamilya TV host-influencer at proud member ng LGBTQIA+ community, isa si Regine sa mga tinitingala at nirerespeto ni Mela sa entertainment industry.
Naibahagi nga ng transwoman beauty queen sa isang episode ng “Magandang Buhay” kung paanong naging daan at naging sign si Regine ng pag-amin niya sa kanyang tatay na si Erico kung ano talaga ang kanyang pagkatao.
Aniya, tandang-tanda pa niya ang pakikipagchikahan sa isang kaibigan at ang topic nga nila ay si Regine. Noon pa raw kasi ay idol na idol na niya ang Songbird.
“Little did I know, papa was hearing the conversation over the telephone, sabi ko this must be the time to declare my identity pero pinatagal ko siya ng isang linggo,” pahayag ni Mela.
“Pagbalik niya, pinatawag niya ako sa kwarto tapos sabi niya ‘ano sasabihin mo’ and I started crying, I couldn’t say it.
“Sabi ni Papa, ‘na ano, na bakla ka’ tapos tumango ako tapos sabi ni Popsie, ‘eh ano naman,’ those were powerful words,” ang sabi pa ni Mela.
Hindi rin daw niya malilimutan ang iba pang inspiring words ng kanyang ama noong mag-come out na siya bilang isang transwoman.
“When I came out as a trans woman, the most beautiful words came after he just messaged me and said ‘kung sa tingin mo magiging mabuting tao ka bilang babae, mabuhay ka’ and I owe it to them why I’m live the best life. I am at my happiest,” lahad pa ni Mela.
Ang mahalaga naman kay Erico ay ang pagiging mabuting tao ng kanyang anak at ang pagmamahal nito sa kanilang pamilya.
“Matalino kasi siya eh, alam ko na kung paano ‘yung gawa at damdamin ng mga ganoong bata.
“Ang bakla sa Pilipinas napakahirap ipagtanggol iba kasi ‘yung tingin, ang tanging sinabi ko sa kanya, maging matalino ka at ipakita mo na iba ‘yung pagiging bading mo sa bansang ito.
“Kapag inunawa mo, papasok ‘yung respeto, kapag nirespeto mo, papasok ‘yung pagtanggap, kapag tinanggap bubukal ‘yung pag-ibig,” ang pahayag pa ng tatay ni Mela.