Janice de Belen game sa game sa halikan nila ni Andrea del Rosario: ‘Ninenerbiyos din ako kasi parang iniisip yata ng tao totoo’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Janice de Belen at Andrea del Rosario
MARAMING nag-aakala ngayon na tomboy sa totoong buhay ang Kapamilya actress na si Janice de Belen.
Iyan ay dahil sa trending character niya bilang si Leona Fiero sa ABS-CBN primetime drama series na “Dirty Linen” na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz Seth Fedelin, Angel Aquino at marami pang iba.
Ayon kay Janice, ito na raw ang pinakakakaibang karakter na ginampanan niya sa isang serye at natutuwa siya dahil talagang nagmamarka sa manonood ang kanyang akting.
“I think ito ‘yung pinaka-excited ako na role na gawin in a really long time. Siguro because the script is exciting, it’s really different.
“Hindi siya ‘yung lagi kong ginagawa na nanay na mabait. Ito talaga kakaiba talaga, sobrang excited ako. So siguro ‘yung excitement ko eh nakikita sa ibinibigay kong work,” pahayag ni Janice sa panayam ng “Sakto” sa TeleRadyo last Friday.
“Actually nu’ng tini-tape namin siya, kahit naman kami, lahat kami sa cast, we felt the same excitement at saka lahat kami parang gusto naming mag-work.
“Kasi excited kami, ano ang magaganap, paano made-develop yung mga character namin,” sey pa ni Janice.
Shookt din daw siya sa naging development ng karakter niya sa serye bilang si Leona na na-involve nga sa karakter ni Olga na ginagampanan ni Andrea del Rosario.
“Gindi ko rin in-expect ‘yon kasi hindi agad sinabi sa akin. Nu’ng story conference ko lang din nalaman na ‘ah talaga.’
“Alam mo nu’ng narinig ko na magiging ganu’n ‘yung role, wala na akong tinanong kung may kissing scene ba. Inisip ko na lang may possibility na baka mayroon. Pero it’s work, kung ‘yan ang kailangan,” sabi pa niya.
Sa katunayan, dahil sa galing ni Janice, marami ang nag-aakalang lesbian siya in real life. May mga nagme-message sa kanya at tila naniniwalang miyembro rin siya ng LGBTQIA+ community.
“Medyo ninenerbiyos din ako kasi parang iniisip yata ng tao totoo. At saka ang daming bumabati sa akin na Happy Pride, Happy Pride Month. Sabi ko, ‘ninenerbiyos yata ako.’ Kaya sabi ko ‘iniisip yata nila totoo,” natatawang chika ni Janice.