Dingdong sobrang na-miss makasama si Marian sa pelikula makalipas ang 1 dekada: ‘Kinikilig at kinikilabutan ako!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Dingdong Dantes at Marian Rivera
DREAM come true para sa Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang muling pagsasama nila sa pelikula makalipas ang mahigit 10 taon.
Ngayon pa lang ay super excited na ang Kapuso Primetime King sa pagsisimula ng shooting nila ng kanyang wifey na may titulong “Rewind” mula sa Star Cinema, APT Entertainment at ang pag-aari niyang produksyon na Agosto Dos Media.
Ayon pa kay Dong, looking forward na siya sa comeback at reunion project nila ni Marian na ididirek ng blockbuster filmmaker na si Mae Cruz-Alviar.
Sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”, nagbigay ng message si Dingdong tungkol sa muling pagsasama nila ng kanyang asawa sa pelikula.
“Hi, Tito Boy. Marian and I are very excited about this project. Sobrang na-miss kong makasama ang aking misis sa big screen kasi ang huling beses ay higit isang dekada na nakaraan.
“Iba po kasi talaga ang proseso ng paggawa ng pelikula, kaya naman kinikilig at kinikilabutan ako sa maaaring outcome nitong obra ni Enrico Santos at Joel Mercado sa direksyon ni Mae Cruz,” ang nakasaad sa ipinadalang mensahe ni Dong kay Tito Boy.
Kinumpirma rin ng award-winning Kapuso actor at TV host na ngayong taon din mapapanood ang “Rewind” pero hindi pa kumpirmado kung isasali ito sa 2023 Metro Manila Film Festival.
Sabi pa ng husband ni Yanyan, “Dasal po namin na sana’y manumbalik ang ating manonood sa big screen, despite the emergence of streaming platforms around.”
Kasunod nga nito ay ang IG post ni Dingdong kung saan ibinalita nga nitong tuloy na ang pagsasamahan nilang pelikula ng kanyang asawa na may titulong “Rewind” mula sa direksyon ni Mae Cruz-Alviar.
Nauna rito, ibinalita nga ng aktor ang tungkol sa reunion movie nila ni Marian sa pamamagitan ng Instagram. Kalakip ang ilang litrato na kuha sa ginawang project announcement ang caption ni Dong na, “An exciting project is in the making, and this time, I have the pleasure of working alongside my amazing wife!
“After more than a decade, the wait is finally over as we announce our upcoming film ‘REWIND,’ directed by Mae Cruz-Alviar.
“This masterpiece, created by Enrico Santos and Joel Mercado, holds a special place in our hearts, and we can’t wait to share it with all of you.
“Thanks to the incredible partners from @starcinema and @aptentertainment.ph, this long-awaited collaboration is becoming a reality! Stay tuned for an unforgettable cinematic experience coming soon to theaters!” ang kabuuang caption ni Dingdong.
Ang huling pelikula pa ng DongYan ay ang “You to Me Are Everything” na ipinalabas noong 2010.
Sa ngayon, humahataw din sa ratings game ang murder-mystery drama series ni Dong na “Royal Blood” na napapanood sa GMA Telebabad. Kasama niya sa serye sina Rabiya Mateo, Rhian Ramos, Mikael Daez, Megan Young at Tirso Cruz III.
Anytime soon naman ay mapapanood na rin sa primetime si Marian. Bibida uli ang Primetime Queen sa bagong serye ng GMA kung saan makakasama naman niya si Gabby Concepcion.