Proud LGBTQ members Mela Habijan, Enzo Almario maswerte sa mga ama, tanggap agad nang mag-come out

Proud LGBTQ members Mela Habijan, Enzo Almario maswerte sa mga ama, tanggap agad nang mag-come out

Regine Velasquez, Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, Enzo Almario, Mela Habijan kasama ang kanilang mga tatay

INSPIRING at nakaka-touch ang kuwento ng mga proud members ng LGBTQIA+ community na sina Enzo Almario at Mela Habijan tungkol sa pag-come out nila sa kanilang pamilya.

Ibinahagi nina Enzo at Mela sa madlang pipol kung paano sila umamin about their true gender and sexual preference sa kanilang parents, partikular na sa kanilang tatay.

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Pride Month, inimbitahan ng “Magandang Buhay” sina Enzo at Mela kasama ang kanilang mga ama upang magsilbing inspirasyon sa lahat ng pamilyang Filipino.

Sa mga hindi pa aware, lumaban si Enzo sa “Tawag ng Tanghalan” ng “It’s Showtime” kung saan din niya inamin ang pagiging queer.


“Sobrang salamat kasi hindi niyo ako sinukuan at ginuide niyo ako para maging mabuting tao at sinuportahan niyo ako all the way, simula umpisa,” pahayag ni Enzo.

Maraming manonood ang natuwa at naantig ang mga puso nang magbigay ng mensahe ang tatay ni Enzo na si Ramil.

Talagang ibinandera niya sa buong universe kung gaano niya kamahal at kung gaano siya ka-proud sa kanyang anak, lalo na sa pagiging beki nito.

Baka Bet Mo: Michelle Vito sa tsismis na nabuntis siya ni Enzo Pineda: Next time, hindi na ako kakain kapag magsu-swimsuit

“Sobrang proud na proud ako sa kanya. Ngayon ko nakita ang pagkatao niya, lahat. Iba pala ang akala ko noon,” mensahe ng tatay ni Enzo

Samantala, naikuwento naman ni Mela na inamin niya sa kanyang ama ang tunay niyang kasarian noong nag-aaral pa lamang siya.


At napakaswerte raw niya dahil tinanggap siya agad ng kanyang tatay na kung ituring niya ay isang bayani.

“Kung hindi siya ang tatay ko, baka iba siguro ang buhay ko. I have a hero beside me who has always been there cheering for me, believing in me, and trying his best to raise me in the best way possible.

“Kaya pumupunta ako lagi sa landas na maganda at mabuti kasi mayroon akong mabuting tatay, panalo ko na ‘yon sa buhay ko,” sabi ng transwoman beauty queen.

Narito naman ang message ng tatay ni Mela na si Erico na isang professor,  “Apat ang anak ko, lahat ‘yan galing ‘yan sa Diyos. So sa aking palagay, ang konsepto niyan kapag ibinigay ‘yan sa iyo ng Diyos ay pahalagahan mo siya.

“May espasyo sila, kaya huwag natin silang sikilin, huwag natin silang hadlangan, at ibigay sa kanila yung tamang pag-ibig, ‘yun lang naman ‘yan,” paalala pa niya sa lahat ng mga magulang.

Mela Habijan sinagot ang mga nagrereklamo sa queer dating show na ‘Sparks Camp’: Kalma lang, pakinggan natin ang isa’t isa’

Bakit biglang nagalit ang 2 anak nina Melai at Jason kay Jericho Rosales?

Read more...