Allan K, Wally, Ryzza feel na feel ang pagmamahal ng ‘legit Dabarkads’, pero umamin: ‘Nakakapanibago pala ‘yung walang ginagawa’

Allan K, Wally, Ryzza feel na feel ang pagmamahal ng 'legit Dabarkads', pero umamin: 'Nakakapanibago pala ‘yung walang ginagawa'

Ryzza Mae Dizon, Carren Eistrup, Allan K at Wally Bayola

NGAYON pa lang ay abangers na ang buong sambayanang Filipino sa pagsisimula ng bagong noontime show nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa TV5.

Sa darating na July 1, mapapanood na ang pinakabagong noontime program ng Kapatid Network na pangungunahan ng TVJ at ng mga “Legit Dabarkads“. Ibabandera ang magiging titulo nito sa mismong araw ng pagbabalik telebiyson nina Tito, Vic & Joey.

Base sa isang panayam, nabanggit ni Allan K na may mga bagong segments na namang pauusuhin ang kanilang show at posible ring madagdagan ang kanilang pamilya ngayong nasa TV5 na sila.

Na-interview si Allan at ang iba pang legit Dabarkads sa morning show ng TV5 na “Gud Morning Kapatid” hosted by Gretchen Ho na nagsabing talagang ipina-renovate pa ng management ang kanilang studio para sa TVJ.

Natanong si Allan K kung sanay na ba siyang tinatawag na Kapatid, “Nasanay na. Sanay na ngayon after May 31, yes!” na ang tinutukoy ay ang pamamaalam nila sa “Eat Bulaga” at sa TAPE Incorporated.

Baka Bet Mo: Manny Pangilinan sa pagpasok ng TVJ at sa pamamaalam ng Showtime sa TV5: ‘Purely business decision at hindi kami nagkulang sa pagtulong sa ABS’

“Siyempre nakakapanibago rin at first. Kumbaga, parang alien sa paningin namin,” pahayag ni Allan K nang unang makatungtong sa TV5 studio sa Reliance, Mandaluyong.

“Ako kasi, hindi na ako baguhan sa TV5. 1996 to 2002, ‘yun ‘yung una kong show outside ‘Eat Bulaga’, ‘Sing Galing,’ pero sa Novaliches. Pero dito sa Reliance first time. So ako, bagong tahanan,” chika ng veteran comedian.

Nabanggit din niya na bukod sa mga bagong pasabog ng kanilang noontime show, may mga ipakikilala rin silang mga bagong Dabarkads. At siyempre, muling mapapanood ang “Pinoy Henyo” at “Bawal Judgmental.”

Kuwento pa ni Allan K sa ilang buwang pamamahinga matapos silang mag-resign sa TAPE, “Nakakapanibago pala ‘yung walang ginagawa. Nasa bahay lang kami.


“Alam n’yo now more than ever, ngayon namin naramdaman ‘yung pagmamahal ng mga legit Dabarkads. Pati pagsimpatya sa social media at sa lahat ng platforms, nakikita mong grabe din talaga ‘yung suporta nila sa amin” dagdag pa ni Allan.

Mensahe naman ni Wally Bayola nag-guest din sa programa nina Gretchen Ho, “Maraming salamat sa TVJ hindi lang dahil sa loyalty namin sa kanila. Sila ang naging boses at lakas namin.”

Bukod sa noontime show ng TVJ, may dalawa pang show si Wally sa TV5, ang comedy show na “Balitawanan” at ang nagbabalik na “Wow Mali.”

Pahayag naman ni Ryzza Mae Dizon, talagang nanibago rin siya nang mawala sa “Eat Bulaga” ng GMA, “Kasi sanay na po kaming gumising sa umaga tapos work na ulit, sama-sama. Sabay-sabay mag-breakfast.”

Dagdag pa niya, “Bukod po sa kagandahan, very excited po ako dito sa ating bagong tahanan. Abangan n’yo lang po lahat nang mga inihanda ng mga legit Dabarkads at ng mga Kapatid. Gusto ko po talaga magpasalamat sa TVJ kasi ramdam ko po talaga na ipinaglaban nila ako hanggang sa huli.”

Sabi naman kay Carren Eistrup, ang pinakabagong miyembro ng legit Dabarkads, “When the announcement happened, I felt very heartbroken, siyempre kaming lahat.

“But it’s time to move on and we’re very happy because we found a new home at sinusuportahan kami ng ating legit Dabarkads.

“Gusto ko po talaga magpasalamat sa TVJ kasi hindi po talaga kami iniwan… Sa TVJ po talaga walang iwanan – one for all and all for one,” ang sabi pa ng naging winner sa “Bida Next” segment ng “Eat Bulaga.”

Kim Chiu sa Best Female TV Host award: ‘Grabe first ko ito! Legit na ako, may resibo…I want to cry’

Vic ibinuking na pinatatanggal ng TAPE ang ‘Bawal Judgmental’ segment ng ‘Eat Bulaga’, Joey umiyak habang ipinagtatanggol ang ‘legit Dabarkads’

Read more...