Sharon, Alden sumabak na sa shooting ng ‘A Mother & Son’s Story’, wish ng fans: ‘Sana makapasok sa MMFF 2023!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Sharon Cuneta at Alden Richards
NAGSIMULA nang umikot ang mga camera para sa pelikulang pagsasamahan ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta at ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards.
Ito ang unang pagkakataon na magsasama sa pelikula sina Mega at Alden kung saan gaganap silang mag-ina. May working title itong “A Mother & Son Story”.
Mismong si Sharon ang nagbalita sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na sinimulan na ang shooting ng pelikula nila ni Alden mula sa direksyon ni Nuel Naval.
Kalakip ang litrato nila ni Alden, ang isinulat ni Sharon sa caption ay, “It’s our first shooting day today! (heart emojis). ‘A Mother & Son’s Story’. @aldenrichards02.”
Bukod dito, nagbahagi rin si Mega ng mga BTS o behind the scenes photos sa IG na kuha sa ikalawang araw ng kanilang shooting. Kasama nila sa mga litrato si Direk Nuel at ang screenwriter na si Mel.
Nauna rito, nag-post si Sharon last week ng kanyang photo kung saan kayakap niya ang Pambansang Bae na kuha matapos silang sumabak sa familiarity workshop.
Ibinalita rin ng movie icon na makakasama rin nila sa pelikula sina Miles Ocampo at Tonton Gutierrez. Sey ni Mega sa caption, “My latest movie is under Cineko Productions and Direk (Nuel Naval) with a script by Mel Del Rosario.
“Co-starring my new movie son, the one and only (Alden)!” sabi pa niya.
“Thank you Lord for a great project! Super excited!” sey pa ni Sharon.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng netizens sa IG post ni Sharon tungkol sa pagsabak nila ni Alden sa shooting para sa “A Mother & Son Story.”
“Omg!! Excited super.. bagay na bagay mag-ina…magagandang tao na may magagandang puso ay marapat lang na gawan ng magandang MOVIE… Blockbuster ito For sure.”
“Goodluck po !! Happy working. Ang beauty namam ng motherat gwapo ng son.”
“Excited na kami Mega Sharon sa Movie nyo ni Alden.”
“Awwwww…. ang sweet ng yakap!”
“Super excited for this! Good luck po Ms @reallysharoncuneta and Alden.”
“Pwede maging mag mommy dahil Pareho May dimples.”
“Woow i love these goodluck po Maam Sharon n @aldenrichards02 eto ang forte mo Alden drama promise manunuod ako uun eh pag meron dito sa prov isabela goodluck n Godbless you both ”
“The perfect tandem mother and son good luck po sa inyo.”
“My 2 fave actors. Can’t wait to see the movie. Hope it will have an international screening or it will be shown during this year’s MMFF.”