Vice Ganda sinagot ang tuition fee ng contestant sa ‘Showtime’: ‘I want to help you kasi kayong madlang pipol ang laki ng tulong n’yo sa akin’

Vice Ganda sinagot ang tuition fee ng contestant sa 'Showtime': 'I want to help you kasi kayong madlang pipol ang laki ng tulong n'yo sa akin'

Vice Ganda

NAPASAYA nang todo ni Vice Ganda  ang isang female contestant ng “Rampanalo” segment ng “It’s Showtime.”

Itsinika kasi ng female constestant na  working student siya para ma-finance ang kanyang schooling.

Sinabi niya na kapag nanalo siya sa contest at may maidadagdag siyang mga items sa sari-sari store operated by her grandmother.


“Magkano tuition fee mo?” tanong ni Vice Ganda sa female contestant.

“This sem po, P43,000,” sagot ng female contestant.

“Sige na nga, sagot ko na ‘yung tuition fee mo na isang sem,” say ni Vice Ganda.

Siyempre pa, tuwang-tuwa ang contestant sa gesture ng TV  host.
Ipinaliwanag naman ni Vice kung bakit gusto niyang suportahan financially ang female contestant.

Baka Bet Mo: Kim sinupalpal ni Vice sa isyu ng panloloko: There’s no acceptable reason for cheating

“Dama kita eh, gusto mo mag-aral, eh. ‘Yung iba may financial problem hinto na ako, work na ako. Ikaw pinagsasabay mo, mahirap ‘yun ah,” say niya.

“Yung iba hindi nila kayang pagsabayin kaya magsasakripisyo ng isa, trabaho ba o pag-aaral, ikaw pinagsasabay mo,” dagdag pa niya.

“I want you to be happy and I want to help you kasi kayong madlang pipol ang laki ng tulong n’yo sa akin.” Vice Ganda said.


Sabi ni Vice Ganda, gusto niyang tulungan ang dalaga dahil stressful hindi lamang sa kanya kundi maging sa kanyang lola ang kanyang sitwasyon.

“Pati ‘yung lola mo nai-stress diyan, kung saang kamay ng Diyos kukunin ‘yung pandagdag sa tindahan para umabot siya sa tuition fee mo, ‘di ba? Para ‘yung man lang ay maawas-awas, makabawas.

“Kapag may isang problemang natatanggal sa utak, may espasyo pa, ’di ba, para makahinga-hinga at makapag-entertain ng iba kasi ang dami nating problema, hindi natatapos. Kaya kung may pagkakataon at kaya naman, magtulungan tayo,” say niya.

Of coure, ang daming humanga sa generosity ni Vice Ganda. Hindi lang ito kasi nangyari minsan. Maraming beses na kasing tinutulungan ni Vice Ganda ang isang contestant sa “It’s Showtime”.

Eugene 3 years binayaran ang tuition fee ng anak ni Dolly: ‘Wala na talaga akong pambayad ng kuryente, napatigil ‘yung anak ko sa pag-aaral’

Melai wais na sa pera: Ba’t ako magbabayad ng tuition fee ng anak mo, eh anak mo ‘yan…

Read more...