Kris kinontra si Mark Leviste sa estado ng kanilang relasyon, may pagsisisi na nagdyowa habang nagpapagamot?

Kris kinontra si Mark Leviste sa estado ng kanilang relasyon, may pagsisisi na nagdyowa habang nagpapagamot?

Mark Leviste at Kris Aquino

HINDI pa man nagtatagal ang relasyon nina Kris Aquino at Batangas Vice Governor Mark Leviste, mukhang nangangamoy lovers’ quarrel na agad ang dalawa.

Walang binanggit na pangalan ang Queen of All Media pero very obvious naman kung sino ang kanyang tinutukoy sa kanyang bagong post sa social media.

Ayon sa Instagram post ni Kris, may isang taong nagsasabing inaalagaan siya nito sa Los Angeles, California, USA at nagkukuwento about their relationsip.


Ang hula ng halos lahat ng kanyang followers sa IG ay si Mark Leviste na sunud-sunod ang naging pahayag tungkol sa kanilang current status.

“For my peace of mind, just the facts: without my knowledge or consent, someone spoke about what’s supposed to be his ‘taking care of me in LA’ plus ‘our happy and full of love relationship’ – yet just like any new relationship many couples will easily identify, we are still adjusting to each other’s already set habits & ways,” simulang pagbabahagi ng TV host-actress.

Baka Bet Mo: Lolit Solis nakatanggap ng flowers mula kay Mark Leviste: Feeling Kris Aquino ako

Patuloy pa niya, “Recently there have been unavoidable conflicts. I don’t believe in presenting a happy picture when that’s not quite our current reality.

“I’m hopeful we can still work through our differences, though a part of me realizes the lack of wisdom in embarking on a relationship while undergoing treatment,” lahad pa ni Tetay.


Sa isang panayam, todo pasalamat si Mark kay Kris dahil sa iniregalo niyang Europe trip sa anak niyang si Arielle Leviste. Sinabihan pa niya ang aktres ng, “Ti Amo” o “I love Y
you”.

Paglalarawan pa niya sa kanyang lovelife “A happy vice governor makes a happy province. O, di ba? Kailangan meron tayong pinaghuhugutan ng inspirasyon at ligaya.

“I’m here right now in Los Angeles, taking care of her, keeping her company, while her son Bimby is back home in Manila,” ayon pa sa vice governor.

Kris unti-unti nang bumubuti ang kalusugan, hindi na sobrang payat; Mark Leviste naglabas ng ‘ebidensiya’

Lolit Solis bet na bet si Mark Leviste para kay Kris Aquino: Very happy ako na out in the open na ang love nila

Read more...