Juliana ipinagmalaki ang pagiging ‘supportive dad’ ni Richard

Juliana Gomez ipinagmalaki ang pagiging ‘supportive dad’ ni Richard: Thanks for being my cheerleader!

Pauline del Rosario |June 19,2023
facebook
share this

Juliana Gomez ipinagmalaki ang pagiging ‘supportive dad’ ni Richard: Thanks for being my cheerleader!

Pauline del Rosario - June 19, 2023 - 02:16 PM

Juliana Gomez ipinagmalaki ang pagiging ‘supportive dad’ ni Richard: Thanks for being my cheerleader!

PHOTO: Instagram/@gomez juliana

HINDI nagpahuli na ibandera ng atletang si Juliana Gomez ang kanyang amang actor-politician na si Richard Gomez sa pagse-celebrate ng Father’s Day kahapon.

Sa isang Instagram post, ipinagmalaki niya ang pagiging all-out supportive dad ni Richard sa kanya.

Ibinahagi pa ni Juliana ang ilang litrato nilang mag-ama, pati na rin ang ilang screenshots ng mga nagiging mensahe sa kanya ni Richard sa tuwing siya ay may laban.

Alam naman nating lahat na aktibo si Juliana pagdating sa mga kompetisyon ng fencing na siyang minana sa kanyang tatay.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, si Richard ay gold medalist ng fencing sa Southeast Asian Games noong 2005.

Baka Bet Mo: Juliana Gomez hindi nakakaramdam ng lungkot kahit solong anak lang: I’m all right with life just being the 3 of us

Bukod diyan, dati rin siyang presidente ng Philippine Fencing Association (PFA) noong 2016 at 2021.

Anyway, ilan lamang sa mga personal na mensahe sa kanya ni Richard ay ang pagpapahiwatig nito ng dasal upang gabayan si Juliana sa kanyang kompetisyon.

“Play well today. I pray that the good Lord will be on your side as you play your way to victory. I asked my guardian angel to be with you all throughout your competition and to guide you to victory. love you!,” sey ni Richard sa isa niyang message para sa anak.

Narito pa ang isa pa na kung saan ay nabalitaan ni Richard na natalo si Juliana sa kanyang laban.

“Why do you have to say sorry to me? That’s ok. Sometimes we lose, sometimes we win. Just do better next time and don’t pressure yourself when you play. Take out the trash in your head and just focus on the game and winning,” lahad ni Richard.

Sa caption ng IG post ng unica hija ng aktor ay lubos itong nagpasalamat dahil patuloy na naniniwala ang kanyang ama na matutupad niya ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Mensahe ni Juliana, “Happy father’s day Dad! Thanks for believing in my dreams and being my cheerleader [sword, red heart emojis] Love you big time @richardgomez.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Juliana Gomez (@gomezjuliana)

Nag-comment naman diyan mismo ang dating aktor at sinabing, “I love you ‘day! I wish you the best in life, always.”

Tila naantig naman ang ina ni Juliana at misis ni Richard na si Lucy Torres at nag-reply rin sa post ng atleta.

Sey niya, “I love you both so much.”

Noong Pebrero lamang ay naiuwi ni Juliana ang gold medal matapos manalo sa UAAP women’s fencing tournament.

proud na proud ang dating aktor sa champion niyang anak at ibinandera pa ang huling moment sa laban ni Juliana.

Si Richard rin mismo ang nagsabit sa kanya ng medalya.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hidilyn kay Nesthy: Para sa puso ko at sa bawat Filipino, ikaw ang panalo!

Anne Curtis ‘hirap’ sa balik-alindog program: Thankful that I had a little cheerleader to greet me every loop!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending