Hidilyn kay Nesthy: Para sa puso ko at sa bawat Filipino, ikaw ang panalo! | Bandera

Hidilyn kay Nesthy: Para sa puso ko at sa bawat Filipino, ikaw ang panalo!

Ervin Santiago - August 05, 2021 - 01:43 PM

Nesthy Petecio at Hidilyn Diaz

TODO pasasalamat din ang Olympic weightlifting champion na si Hidilyn Diaz sa kapwa atletang si Nesthy Petecio sa karangalang ibinigay nito sa Pilipinas.

Sang-ayon din ang kauna-unahang Filipino athlete na nakapag-uwi ng gold medal sa bansa, na hindi dapat mag-sorry si Nesthy sa mga kababayan natin dahil hindi niya nasungkit ang ginto.

Nakapag-uwi ng silver medal si Nesthy sa boxing competition sa 2020 Tokyo Olympics ngunit aminado siya na nanghihinayang pa rin siya sa ibinigay na oportunidad sa kanya sa international sports event.

Sa kanyang Facebook account, nag-post si Hidilyn ng isang video para  batiin at papurihan si Nesthy sa ginawa nitong pakikipaglaban sa Tokyo Olympic Games.

“Congratulations Nesthy Petecio – World Champion sa pagpapanalo ng Silver Medal sa Olympics. Para sa puso ko at sa bawat pilipino, ikaw ang panalo. Love you!” ang pahayag ng tinaguriang “weightlifting fairy” ng Pilipinas.

Kung matatandaan, pagkatapos ng laban niya kontra Sena Irie, nagbigay ng mensahe ang Pinoy boxing champ sa sambayanang Filipino kasabay ng paghingi ng paumanhin.

“Pasensya na po kayo, silver lang nakayanan ko. Ginawa ko po lahat kanina sa taas ng ring. Salamat po ng marami sa dasal at supporta niyo. Higit sa lahat sa Diyos! At safe kami pareho ng kalaban ko. Babalik po tayo Mas Malakas,” ani Nesthy sa kanyang FB post.

Samantala, nag-post naman si Hidilyn sa social media ng pasasalamat sa dalawa niyang coach na nakasama niya sa kanyang Olympic training sa Malaysia. 

“Gusto ko lang pag salamat silang dalawa ni Coach Gao at Coach @imjulius, sila ang naging pamilya ko nun last 19 months sa Malaysia. Na-kaya ko dahil nandu’n sila, di nila ako iniwan,” ang caption ng Pinay champ sa litrato nilang tatlo sa Instagram.

Aniya pa, “Di maiwasan may di pagkaunawan kasi may language barrier (Filipino, Chinese, Guamanian). Minsan di nagkaintindihan pero mas pinili namin maghanap ng paraan, magusap at pagusapan ang dapat pagusapan, at bumalik kame sa WHY ng #TeamHD ito ay manalo ng Gold Medal para sa Pilipinas,” sabi pa niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dagdag pa ni Hidilyn, “Thank you sa pagintindi at pagkakaroon ng multiple roles gaya ng pagiging coach, training partner, chef, driver, masahista, translator at marami pang iba.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending