PATULOY na nagpapakita ng mataas na antas ng aktibidad ang Bulkang Mayon na kung saan ay naglalabas pa rin ito ng lava at “rockfall events” o pagbagsak ng mga bato, ayon sa latest report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Mula Sabado, June 17, umabot na hanggang 1.5 kilometro ang pag-agos ng lava mula sa bibig ng bulkan.
Naitala rin na mayroong 274 rockfall events, tatlong volcanic earthquakes, at 11 na pyroclastic density currents.
“Very slow effusion of lava flow to maximum lengths of 1.5 km and lava collapse on Mi-isi and Bonga Gullies within 3.3 km from the crater,” ayon sa 5 a.m. bulletin report ng Phivolcs.
Hanggang ngayon at nakataas pa rin sa alert level 3 ang bulkan na kung saan ito ay may “intensified or magmatic unrest.”
Baka Bet Mo: PBBM namigay ng P50-M ‘employment aid’ sa Mayon evacuees, mahigit 5k residente nasa evacuation centers na
Ibig sabihin niyan, anumang oras ay posible pumutok ang bulkan.
Dagdag pa ng Phivolcs, ang bulkang Mayon ay naglabas ng hindi bababa sa 1,004 metric tons ng sulfur dioxide.
Ang patuloy na paglabas ng steam mula sa bibig ng bulkan ay nagreresulta ng mga usok na umaabot sa taas na 100 meters.
Dahil sa aktibidad ng Mayon, nagbabala ang state volcanology agency sa publiko na maaaring mangyari ang mga sumusunod:
-
Pagbagsak ng mga bato o pagguho ng lupa
-
Ballistic fragments
-
Pag-agos ng lava at lava founting
-
Pyroclastic density currents
-
katamtamang pagsabog
-
Magkaroon ng mga “lahar” sakaling makaranas ng malakas at matagal na pag-ulan sa lugar
Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 7-km radius permanent danger zone malapit sa bulkang Mayon na kung saan ay hindi rin pwede ang anumang paglipad ng sasakyang panghimpapawid.
Tinatayang nasa 40,000 na katao ang naninirahan sa paligid ng bulkan at ang kabuuang nailakas na ay humigit-kumulang na 20,000 na mga residente.
Read more:
Bulkang Mayon posibleng ‘pumutok’ anumang oras, mga residente pinalilikas na