Dingdong Dantes naghahanda na nga bang tumakbo para sa 2025 elections?

Dingdong Dantes naghahanda na nga bang tumakbo para sa 2025 elections?

Dingdong Dantes

SIGURADONG ngayon pa lang ay marami nang personalidad at celebrity ang naghahanda sa kanilang pagtakbo sa inaabangang 2025 elections.

This early ay inaabangan na ng sambayang Filipino kung sinu-sino sa mga taga-showbiz ang kakandidato sa susunod na eleksyon, lalo pa’t maraming artista ang nanalo noong May, 2022 national elections.

Sa pakikipagchikahan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa ilang miyembro ng entertainment media sa naganap na grand mediacon ng bago niyang primetime series sa GMA 7 na “Royal Blood” muli nga siyang natanong tungkol sa politika.


Natawa muna si Dong nang usisain kung posible nga bang pasukin na niya ang mundo ng magulong mundo ng politika sa darating na Eleksyon 2025, matagal na raw kasi siyang hindi natatanong about it.

Tugon ni Dingdong, “Parati ko namang sinasabi na yung public service is really something that I can find inside my heart, regardles of form.

“Kung ano man yan, kahit anong paraan ng pagsilbi ay gagawin. Ang tanong na lang kung hanggang saan yung commitment,” sey ng award-winning Kapuso actor at TV host.

Baka Bet Mo: Paalala ni Dingdong sa mga botante ngayong eleksyon: Ang binoboto mo ay representation ng pangarap mo

Dagdag pa niya, “And at this time, sabi ko, gagawin ko ito through my work, my job as an actor, by becoming a volunteer from time to time. Kasi sa ngayon, ito yung kaya kong i-commit.

“Pero kapag tanong mo yung willingness tumulong, willingness na gumawa nang mabuti para sa kapwa, para sa bayan, of course always yan, 100 percent,” dugtong pa ng husband ni Marian Rivera.

Sa ngayon, wala pa naman daw mga grupo o partido na lumalapi sa kanya para tumakbo sa 2025. Kaya naman ang sumunod na tanong sa kanya ay kung ie-entertain ba niya sakaling may mag-alok sa kanya na kumandidato.

“Depende kung tapos yung Royal Blood,” ang nakangiting sagot ni Dong na ang tinutukoy nga ay ang bago niyang crime mystery drama sa GMA Telebabad na magsisimula na bukas, June 19.


Ito ang unang pagkakataon na bibida ang aktor sa isang murder mystery drama ang aktor. Aniya ang naging first impression niya sa kuwento ay “exciting at nakakatakot.”

“Hindi dahil nakakatakot ‘yung materyal pero nakakatakot siyang gampanan, which is good kasi kapag nararamdaman ko ‘yung ganoong takot sa kahit anong roles, gusto ko siya, gusto ko ‘yung ganoong pakiramdam.”

Kuwento pa niya, “Matagal na kasi talaga dapat siyang naumpisahan kaya nagkaroon ng perfect and tamang concept at the right time, and I think ito ‘yun. Kaya very smooth ang lahat ng nangyari up to production.

“Kung binigyan ka ng ganitong klaseng original concept ng napakagaling na creative team ng GMA at ganito kagaling na cast, sino bang hihindi sa ganito?” pagmamalaki pa ni Dingdong sa “Royal Blood.”

Tambalang Isko Moreno at Kris Aquino sa Eleksyon 2022 posible kaya?

Dingdong, pamilya nakipaglaban din sa COVID-19: Na-survive namin ito dahil sa mga ayudang ipinadala ninyo…

Read more...