Tambalang Isko Moreno at Kris Aquino sa Eleksyon 2022 posible kaya?
BAKIT ba palaging isinasama ang pangalan ni Kris Aquino sa mga napapabalitang kakandidato sa darating na 2022 elections?
Porke nawala na ang kuya niyang si dating Pangulong Noynoy Aquino iniisip ng marami na baka ituloy na ni Kris ang pagtakbo next year? Ganu’n ba yun?
Kahit ilang beses nang sinabi ni Kris na hindi niya papasukin ang polikita dahil sa kanyang health condition at kung anu-ano pang dahilan ay hindi pa rin siya tinatantanan ng netizens na pasukin ang politika.
May mga common friend kami ng Queen of All Media na nagbibigay ng update sa kasalukuyan estado ng kanyang kalusugan at maski naman si Kris ay nagpo-post din tungkol dito.
Sinasabi niya na hindi siya puwedeng ma-stress dahil dito naglalabasan ang mga pasa at iba pang allergy niya sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Kaya paano niya papasukin ang politika? Kaya sa paniniwala namin ay wala talaga sa plano ni Kris ang 2022 elections.
Saka mas gusto niya ngayon ng tahimik na buhay at masarap na hangin sa kapaligiran. Kaya nga lagi siyang nasa out of town, di ba?
Anyway, nakakaaliw ang ilang nababasa namin suggestion at reaksyon mula sa ilang netizens.
Anila, maganda raw sanang mag-tandem sina Kris at Manila City Mayor Isko Moreno. Pero ang tanong sa anong posisyon sila magtatambal?
Kung matutuloy si Yorme Isko na kumandidato sa pagka-presidente sa 2022, si Kris ang magiging vice-president niya?
Hala, e, di lalong nagkapasa-pasa na ang buong katawan niya sa sobrang stress kapag nagkataon. Saka malabong mangyari yun kung kami ang tatanungin.
Hayaan na lang si Yorme sa kandidatura niya sa pagkapresidente kung itutuloy man niya ito at tantanan na ng ilang indibidwal ang pagkaladkad kay Kris sa usaping politika.
Pero kung hindi maiiwasang pasukin ito ni Tetay, puwedeng after 2022 na lang para magaling na magaling na siya at okay sa amin kung ang pagiging congresswoman muna o senator ang tatargetin niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.