Former ‘Goin’ Bulilit’ star na si Cha-cha Cañete graduate na ng high school

Former 'Goin' Bulilit' star na si Cha-cha Cañete graduate na ng high school

BULILIT no more na talaga ang dating child star na si Chacha Cañete dahil graduate na ito ng senior high school.

Sa kanyang Instagram page ay ibinandera niya ang kanyang larawan habang nakasuot ng toga.

“Today, I am graduating from Senior High in UST, and will be moving on to Ateneo for College,” pagbabahagi ni Chacha.

Pagpapatuloy niya, “My congratulations to all the graduating students this school year. Hoping that our next chapters will lead us to discover the key to success in the greatest battle of all, life. Cheers and see you all around!”

Labis rin ang pasasalamat ni Chacha sa lahat ng mga taong nagbibigay ng suporta sa kanya.

“My gratitude to all of you for always supporting me,” sey ng dalaga.

Baka Bet Mo: DJ Chacha sa mga dyowa na mahilig mag-like, comment sa ‘sexy’ posts: Baka matawa pa ako pwera na lang kung nagd-dm dm na

Marami naman ang nagpaabot ng kanilang congratulatory messages para sa dalaga.

“Cheers to the new graduate! Best wishes for your future, Chacha!” comment ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “Congrats cha.”

Plano ni Chacha na kumuha ng kurso sa Diplomacy and International Relations with Specialization in East and Southeast Asian Studies sa kanyang pagpasok sa kolehiyo.

Bukod sa kanyang paglabas noon sa kiddie show na “Goin’ Bulilit” ay nakilala rin ito sa isang commercial ng isang real estate giant noong 2009.

Sumali rin si Chacha sa isang international singing contests gaya ng 7th World Championships of Performing Arts sa California noong 2013, kung saan nagwagi siya ng dalawang silver medals.

Related Chika:
Liza Soberano naging inspirasyon ng baguhang child star na si Geanne Cañete para pasukin ang showbiz

Belle Mariano nakapasok agad sa ‘Goin’ Bulilit’ kahit hindi dumaan sa audition, anyare?

DJ Chacha hinamon ng ina ni Heaven: Mag-tag kayo kung talagang matapang kayo, wag puro parinig!

Read more...