Geneva Cruz aktibo sa pagiging Air Force reservist: ‘Gusto kong makatulong sa mga tao nang hindi pumapasok sa politics’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Geneva Cruz
NAPAKARAMING nagbago sa mga pananaw sa buhay ng actress-singer na si Geneva Cruz mula nang maging reservist siya ng Philippine Air Force.
Isa si Geneva sa dumaraming celebrities na pumapasok at sumasabak sa matinding military training sa iba’t ibang sangay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang mapabilang sa Reserve Force ng Sandatahang Lakas.
Nakachikahan namin ang award-winning OPM artist sa naganap na presscon last June 8, sa Philippine Air Force Museum, Villamor Air Base sa Pasay City para sa “AXEL PAF 76th Anniversary Celebration” na nakatakda sa June 23, sa The Theater at Solaire, 8:30 pm..
Kasama ni Geneva rito ang mga kapwa niya OPM icons na sina Roselle Nava, Raymond Lauchenco, Gino Padilla. at Randy Santiago.
Ayon kay Geneva, isa sa mga dahilan ng pagpasok niya sa military ay para makatulong sa mga nangangailangan nating mga kababayan lalo na sa panahon ng mga sakuna, trahedya at kalamidad.
“Reservist ako ng Air Force more than a year na. Hopefully, maybe after the concert, maging reservist din itong mga kasama ko,” sey ng singer sabay tingin sa mga kasamahan niya sa “AXEL” concert na sina Gino, Raymond, Randy at at Roselle.
“Why not, hindi ba? I think makakatulong din sila in a way kasi ako gusto kong makatulong sa kapwa ko without entering politics and that is the reason kung bakit ako naging reservist.
“Basically, kapag kailangan ng manpower during medical missions tumutulong kami, pagpunta sa mga bundok-bundok, sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Ine-encourage namin ‘yung kapwa Pilipino natin na makatulong.
“Tuloy ‘yong mga klase (training) namin sa pagre-reservist kaya doon ako nae-excite kasi ang dami talagang natututunan sa Philippine Air Force,” pagbabahagi pa ni Geneva.
Ibinahagi rin niya kung paano at kailan nagsimula ang kanyang training, “During that time, online classes pa and sabay pa noong ginagawa ko ‘yong Little Princess.
“Nasa lock-in taping ako and I was doing online classes during Monday, Wednesday, and Friday. Paglabas ko, ginawa ko naman ‘yong physical training na and ‘yon ‘yong madugo,” kuwento ng aktres.
Pagpapatuloy pa niya, “Maraming benefits, before I joined the Philippine Air Force, ni hindi ko mabuhat ‘yong M16 kong baril tsaka ‘yong backpack ko because I have scoliosis. Hirap na hirap ako and sumasakit.
“Because of that, I started weight training so now I lift weights. I do Taekwondo on the side. I became very active. I also do marathon. At 47, I have become this strong woman. Hindi ‘yong strong lang sa loob but also sa labas.
“I recommend this because makikita n’yo ‘yong purpose n’yo. My purpose has always been to help other people. Growing up in Tondo, Manila, I’ve always wanted to help people because it gives me joy talaga,” lahad pa niya.
Anyway, excited na rin si Geneva sa concert nila para sa 76th founding anniversary ng Philippine Air Force, “I will be singing and dancing in front of my co-reservists and Air Force officers without my uniform for the first time.
“Nagpapasalamat ako sa suporta at sa pagkakataong makapagserbisyo kasama ang PAF,” sey pa ng OPM artist.
For ticket inquiries, call lang kayo sa Solaire box-office at bumisita sa ticketworld.com.ph.