WALANG sama ng loob o pagtatampo na nararamdaman ang TV host, comedian, singer, at composer na si Joey de Leon laban sa GMA Network.
Ito ay inamin niya sa naging panayam niya kay Julius Babao na mapapanood sa YouTube channel ng huli.
Ngunit para kay Joey, may mga kapuna-punang ginawa ang Kapuso network.
“Hindi naman kami nagtatampo, hindi naman din kahina-hinala pero kapuna-puna na wala silang sinabi,” saad ng komedyante.
Dagdag pa ni Joey, “Wala ring, ‘Uy, kung ano man ang mangyari ay itutuloy namin ha.’ Well, take ko ‘yon.”
Inamin rin niya na nasaktan talaga siya sa mga nangyari lalo’t mahal talaga nito ang programa.
Baka Beto Mo: Joey de Leon tsinatsansingan noon si Lolit Solis; may dream project para sa lahat ng ‘Eat Bulaga’ Dabarkads
“Masakit talaga ‘yung nangyari, masakit sa lahat. Wala, it’s bound to happen. Katulad ngayon, hindi ka na makakabalik. Paano ka babalik kung ‘yung mismong channel 7 hindi nagparamdam kasi ang sinasabi nila ang kontrata nila ay with the producers?” pagbabahagi ni Joey.
Nang tanungin kung sinubukan bang pumagitna ng GMA sa isyu, ang sagot niya, “Wala. Wala. Well, masakit mang sabihin baka iniisip nila na, ‘Matanda na ‘yang mga ‘yan. OK na’ pero hindi eh. Pati bata madadamay eh, pati portions eh.”
Kuwento pa ni Joey, nag-reach out raw siya sa TAPE Inc. at sinabing hayaan silang ipagpatuloy ang pagho-host hanggang ika-50th anibersaryo nito.
“Isa lang ang binitawan ko nung mga meeting na matindi. Sabi ko, ‘Ayaw niyo ba kami paabutin ng 50 years tapos sipain niyo na kami.’ Exact words ko ‘yon, ’tapos sipain niyo na kami’,” sey niya.
Sa ngayon ay masaya naman si Joey at ang iba pang dabarkads lalo na’t nakahanap ito ng bagong tahanan sa TV5.
Related Chika:
Lolit Solis naaawa kay Joey de Leon; Bossing Vic natutulala tuwing sasapit ang tanghalian