Bassilyo, Smugglaz may inamin tungkol sa naging buhay noon bago sumikat bilang rapper: ‘Nakikita mo ‘yung ibang kabataan naliligaw ng landas’

Bassilyo, Smugglaz may inamin tungkol sa naging buhay nila noon bago sumikat bilang rapper: 'Nakikita mo 'yung ibang kabataan naliligaw ng landas'

Coco Martin, Bassilyo at Smugglaz

MULA sa sarili nilang mga karanasan sa buhay ang ilan sa mga naisulat nang kanta ng dalawa sa pinakasikat na rapper ngayon sa Pilipinas — sina Smugglaz at Bassilyo.

Sumasalamin sa mga naging experience nila sa life ang bawat lyrics na maririnig sa kanilang mga kanta kaya naman super relate rin ang kanilang mga fans and supporters.

“Ako lumaki sa depressed area. So habang lumalaki ako ay nakikita mo ang mga tama at mali at makikita mo ‘yung ibang kabataan naliligaw ng landas. Kailangan ibahin ko ‘yon,” kuwento ni Bassilyo nang mag-guest sila ni Smugglaz sa “Magandang Buhay” nitong Lunes.


Dagdag pa niyang chika, “Kailangan mai-divert ko ‘yung isip ko na dapat pumunta ako sa sports, sa tula o sa sayaw o sa kanta. So napili ko ang pagtula. At nangyari naman.”

Wala namang pagkukunwaring inamin ni Smugglaz na na-involve siya sa mga gang noong kabataan niya na naging inspirasyon din niya sa paggawa ng kanta at sa pagra-rap.

“Parang sila ‘yung source ko noon ng music ng hip-hop. Pero naengganyo po talaga ako sa music, pero sila lang ‘yung tropahan na may ganoong music, tapos mga pormahan na ganun, so napasama ako sa kanila.

“Actually ‘yung pangalan ko po talagang Smugglaz ay galing po talaga roon. Hindi po talaga ako ang may-ari noon.

Baka Bet Mo: Skusta Clee hinamon si Vanessa Raval: Paki-reveal nga kung sinong ka chat mo dyan

“May nagbigay lang po sa akin na, ‘ikaw si Little Smugglaz.’ May Smugglaz po talaga, tapos ako po ‘yung Little Smugglaz niya. Hindi po siya rapper,” sey pa ni Smugglaz.

Pagbabahagi pa niya, “Doon po kami nagsimula sa mga kuwento namin, ‘yung mga nararanasan namin. Doon po kami nai-inspire hanggang sa ‘yun po gumagana na ‘yung music namin.


“Nai-inspire na rin kami na gumawa ng music tungkol sa istorya ng ibang tao, sa nangyayari sa paligid,” dagdag chika pa ni Smugglaz na siyang nasa likod ng hit na hit ngayong “Sa’Min”.

Sa tanong kung nabura na ba ang stigma ng mga Pinoy pagdating sa rap, sagot ni Bassilyo na siyang nagpasikat sa kantang ‘Lord, Patawad,” “Ang rap naman po kasi kahit saang genre ng music ay pwede mo siyang ilagay.

“Tapos nakikita na rin kami, katulad nito sa TV, sa radio. Nu’ng ’80s, ’90s, bihira patugtugin sa radyo, lalo na kapag ang rap ay Tagalog,” sabi Bassilyo.

In fairness, mas lalo pang sumikat ang dalawang rapper nang sumabak na rin sila sa aktingan. Mula sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ay nakatawid pa rin sila sa “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan pa rin ni Coco Martin.

Smugglaz, Bassilyo kinampihan si Coco Martin, binanatan si Rendon Labador

Skusta Clee basag na basag sa fans ni Zeinab Harake matapos mag-tweet ng, ‘Kung kailan ka nawala saka ako pinagpala’

Read more...