SARAH hindi na kailangan ng lalaki para maging maligaya | Bandera

SARAH hindi na kailangan ng lalaki para maging maligaya

Ervin Santiago - October 17, 2013 - 03:00 AM


GRABE! Ibang-iba na talaga ang aura ng Pop Princess na si Sarah Geronimo. Kumbaga sa isang bulaklak, talagang namumukadkad na siya nang bonggang-bongga!

Nakachikahan namin siya sa presscon ng isa sa mga endorsements niya, ang Xtreme Magic Sing kung saan pumirma uli siya ng bagong kontrata, at ang ganda-ganda, ang seksi-seksi at class na class ang dating niya ngayon.

Sabi nga namin sa kanya, parang hindi na niya kailangan ng boylet para lumabas ang kanyang beauty.  Bilang endorser ng Xtreme Magic Sing na may mga bago na ngang produkto ngayon bilang pagsabay sa pagbabago ng panahon, natanong si Sarah kung may plano ba siyang mag-try ng ibang look, yung talagang ikagugulat ng kanyang mga fans.

“Okay lang naman ang change, pero ayoko kasi ng pilit, gusto ko kung paano ako tinanggap ng mga tao sa loob ng 10 taon – simple lang walang drastic change –  gusto ko ganu’n pa rin,” tugon ng Pop Princess.

“Like ‘yung album ko na ‘Expressions’, may pagbabago sa musicality, sa genre, kumbaga, umiiwas na rin ako sa tipikal na pagbirit, hindi na siya sa lakas ng boses or high notes, e, ang mahalaga yung sarili kong kanta, you can relate to it, hindi basta kinanta ko lang. Istorya ng puso ko, ng buhay ko, feel na feel ko.

“Masarap sa pakiramdam na naggo-grow ako in that sense, na hindi kailangan ng masyadong pagbabago sa itsura or sa image,” chika pa ni Sarah.

Kung may isang mahalagang bagay siyang natutunan sa 10 taon niya sa showbiz, ano ‘yun? “Natutunan ko? Dati masyado akong nagiging paranoid pagdating sa pagiging technical sa music, na dapat ganito dapat ganyan, nawawala na yung puso ng kanta.

“At meron talagang moment na, ‘Dapat, bibirit din ako’, ‘yung ganu’n. Dumarating talaga ‘yung phase na ganu’n e, hindi ko naman idedenay ‘yun, kasi lahat bumibirit na, so parang ‘My God, ako din dapat bumirit!’ Pero sabi ko, kailangan meron akong sariling identity, hindi lang basta bumibirit.”

“And okay lang na maimpluwensiyahan ka ng foreign artists pero dapat mangibabaw pa rin ‘yung sarili mong boses, sarili mong style. Always sing from the heart,” chika pa ni Sarah G.

Samantala, happy naman si Sarah dahil muling nagtiwala sa kanya ang Xtreme Magic Sing, sabi nga nina Astra Group, Inc. chairman Eric Singson, President Owen Singson at CEO Glenda Gaw, wala na silang ibang maisip na celebrity kundi si Sarah para maging ambassador ng kanilang produkto.

Tamang-tama rin daw ang pagpirma nito ng kontrata sa kanila dahil kapapanalo lang ni Sarah ng Recording Female Artist of the Year sa katatapos lang na 5th Star Awards for Music. In fairness, tatlong Xtreme magic sing na ang pwede n’yong pagpilian – ang bagong Diamond HD, Platinum HD at ang original na Karat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending