Piolo sanay na sanay na raw mag-isa, walang panahong magkadyowa: ‘But there are nights na sana may katabi ka’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Piolo Pascual
SANAY na sanay nang mag-isa ang Kapamilya actor at Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual na halos isang dekada nang single at walang dyowa.
Sabi ni Papa P, halos 10 taon na siya ngayong busy sa pagtatrabaho kaya naman wala raw talaga siyang panahon para sa lovelife at hindi rin niya nakikita ang sarili na may karelasyon anytime soon.
“Wala eh, lumaki ako, sabi ng pastor sa akin ‘mahirap yan pag-nawili ka na mag-isa ka lang, pag nawili ka na wala kang kasama, baka masanay ka,’ I think that’s what happened,” ang pahayag ng award-winning actor sa panayam ng talent manager at content creator na si Ogie Diaz.
Pero aminado naman ang aktor at movie producer na may mga gabing sana raw ay meron siyang katabing matulog, “I’ve been single for so many years. Of course, there are nights na sana may katabi ka.
“Pero I’m not the type na gusto kong may kasama. Nasanay na ako na ganito. Wala kang pinagrereportan, wala kang kailangang uwian,” dugtong ng 46-year-old na aktor.
Wala rin daw sa plano niya ang pakikipag-fling, “Hindi eh, sayang naman yung investment. Huwag naman yung gamitan, just because kailangan or gusto mo.
“Kung hindi ka naman makakapag-commit and hindi mo kaya panindigan because you don’t have time for it, ‘wag nalang. I brush it off or hindi ko na lang iniisip,” aniya pa.
Hindi rin naman daw talaga niya isinasara ang kanyang isip at puso sa pagkakaroon ng dyowa, “Siguro pagtanda ko nang kaunti, aabot ako du’n, pero sa ngayon talaga I don’t see it happening.
“Hindi ko siya ine-entertain and I don’t even see the point of being in a relationship because I’m busy. I’m booked until next year so I don’t have time for it. Even if I want it, wala naman akong time, saan ko siya ilalagay?” paliwanag ni Papa P.
“Darating naman tayo doon. Since lalaki tayo, hindi kailangan magmadali. Tumanda man ako, pwede pa rin ako magkaanak. It’s just that for now, this is my priority.
“And I feel na ang dami ko pang pwedeng gawin, ang dami ko pang gustong gawin na sana magawa ko before I settle down.
“Even if time is against me, I know darating at darating ‘yun if it’s for me. If it’s not, there’s my family, there’s my son. There are people around me. But hindi ko siya talaga iniisip, ayaw ko muna,” aniya pa.