TULOY na tuloy na ang pagsasamahang pelikula ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards at ng nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta.
Mismong si Ate Shawie ang nag-post sa kanyang Instagram account ng good news kalakip ang litrato nila ni Alden together.
Makikita sa kanyang IG post na magkayakap sila ng Kapuso matinee idol na kuha sa isa nilang workshop session bilang paghahanda sa kanilang upcoming project.
May ibinahagi rin siyang picture ni Alden kasama ang Kapamilya director na si Nuel Naval at scriptwriter na si Mel del Rosario.
Ani Mega sa caption, “My latest movie is under Cineko Productions and Direk (Nuel Naval) with a script by Mel Del Rosario.
Baka Bet Mo: Pekeng nude photo ni Alden pinagpiyestahan; Sparkle talent center binantaan ang nagpakalat ng litrato
“Co-starring my new movie son, the one and only (Alden)!” aniya pa.
May post din si Sharon kasama si Alden at ang ilan sa kanilang workshop facilitators with Kapuso actress Ina Feleo.
“Thank you[,] Lord for a great project! Super excited!” pahabol na mensahe ni Sharon.
Sandamakmak na reaksyon naman ang nabasa namin sa IG post ni Mega at halos lahat ng Sharonians ay excited na sa first project nila ni Alden together.
Ngayon pa lang ay excited at abangers na sila sa naturang pelikula at nangakong susuportahan nila ito kapag ipinalabas na sa mga sinehan.
Huling napanood si Alden sa Philippine adaptation ng Korean hit series na “Start-Up” kasama si Bea Alonzo, habang si Sharon naman ay last na umapir sa Kapamilya series na “Ang Probinsyano” na pinagbidahan ni Coco Martin.
Related Chika:
Sharon nagbago ang isip sa pagre-retire sa showbiz: OK Lord, I guess you don’t want me to stop pa