SA loob lamang ng dalawang buwan ay makakapiling na ng aktres na si Kris Bernal ang kanyang first baby with non-showbiz husband na si Perry Choi.
Ang tanong, handa na nga bang maging mommy ang aktres?
Ayon kay Kris, magkahalong tuwa at nerbyos ang kanyang nararamdaman ngayong papalapit na ang “due date” ng pagsilang ng kanyang baby girl.
“Me realizing there’s only 2 months left until this baby has to come out,” wika ni Kris sa kanyang Instagram post kalakip ang video na mukhang kinakabahan.
Sey pa niya, “I cannot wait to get my baby out of me already (I loathe 3rd tri) though some say that I’ll miss her inside me!”
Baka Bet Mo: Kris Bernal dinedma-dedma ni Aljur Abrenica; lumpiang togue ang pinaglilihian sa unang baby nila ni Perry Choi
Aminado rin ang aktres na tila hindi pa siya mentally prepared sa magiging bagong journey bilang first time mom.
“Am I ready? I feel like I haven’t mentally prepared my brain for birth and motherhood! I have just so many ‘unknowns’,” lahad niya sa post.
Gayunpaman, lahat naman daw ng bagay ay kayang matutunan nang unti-unti.
Saad niya, “Women are not born knowing all of these. But, I believe it is learned one cry at a time! [emojis] I’m sure motherhood will be a whole other beast but I believe God has prepared me for it!”
Maraming netizens naman ang napa-comment sa latest update ni Kris at narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon.
“Wow! malapit na.. nakakakaba na nakaka-excite ‘yan [happy face with hearts emoji] ramdam ko ‘yung kaba talaga ‘nung pagpasok ko operating room. Pero ‘nung narinig ko iyak ni baby parang nakalutang ako sa ulap.”
“Lapit na momsh! matulog-tulog ka na kasi mapapalaban ka talaga sa puyatan pag lumabas na si little Kris.”
“You will be fine. Don’t worry about anything…It will be the very best & most precious moment of your existence. God bless you @krisbernal and family!”
Matatandaan noong Marso ay inanunsyo ni Kris at ng kanyang mister na si Perry Choi ang bagong journey ng kanilang buhay sa pamamagitan ng napaka-cute na posters nitong buwan.
Related Chika: