KASABAY ng pagbubunyi ng Araw ng Kalayaan ngayong June 12 ay pumanaw na sa edad 88 si Rodolfo ‘Pong’ Biazon, ang dating senador na inialay ang kanyang buhay sa pagtatanggol ng kalayaan at demokrasya ng ating bansa.
Ayon sa pamilya, sumakabilang-buhay ang dating senador kaninang alas otso y medya ng umaga.
“It is with deep sadness that we announce that the bell has rung and the last Taps [have] been sung for General Rodolfo Gaspar Biazon,” sey ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon sa isang pahayag.
Dagadag pa niya, “It is perfectly fitting that today, Independence Day, the soldier who dedicated his life and laid it on the line defending freedom and democracy has been set free from the pains of this world.”
Kwento ng alkalde, May 21 nang ma-confine sa ospital ang kanyang ama dahil sa “serious pneumonia.”
Baka Bet Mo: Dingdong kinabahan nang magpabakuna: Pero kailangan natin ito para sa proteksyon ng lahat
May 22 hanggang June 3 naman nang siya’y na-intubate dahil sa sakit.
Bago ‘yan, noong July 2022 nang ma-diagnose ng lung cancer ang dating senador.
Para sa mga hindi masyadong aware, si Senador Biazon ang nagsilbing Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines sa administrasyon ng yumaong dating pangulo na si Corazon “Cory” Aquino.
Taong 1992 hanggang 1995 nang umupo siya bilang senador at muling nanilbihan sa parehong posisyon noong 1998 hanggang 2010.
Read more: