Kris Bernal may nadiskubre kay Perry Choi makalipas ang 4 na buwang pagsasama bilang mag-asawa | Bandera

Kris Bernal may nadiskubre kay Perry Choi makalipas ang 4 na buwang pagsasama bilang mag-asawa

Ervin Santiago |January 27,2022
facebook
share this

Kris Bernal may nadiskubre kay Perry Choi makalipas ang 4 na buwang pagsasama bilang mag-asawa

Ervin Santiago - January 27, 2022 - 07:19 AM

Perry Choi at Kris Bernal

SA apat na buwang pagsasama nina Kris Bernal at Perry Choi bilang mag-asawa, may mga bago pa rin silang nadidiskubre tungkol sa kanilang ugali at personalidad.

Ayon sa Kapuso actress at lead star sa upcoming GMA series na “Artikulo 247”, nasa adjustment period pa rin sila ng kanyang hubby bilang married couple.

At sa loob daw ng four months bilang husband and wife, may isang bagay daw na natuklasan si Kris kay Perry — isa raw certified germophobic ang chef-businessman.

Sa latest YouTube vlog ni Kris, ibinuking nga niya sa publiko ang kanyang mister, “Alam mo, love, na-realize ko kung ano ka, germophobic ka. 

“May phobia ka talaga sa kahit anong mga dumi. ‘Yan ang na-discover ko kay Perry ngayong kasal na kami,” sey pa ng actress-entrepreneur.

Pero dumepensa agad si Perry sa sinabi ni Kris, hindi naman daw siya germophobic, talaga lang daw ayaw niyang makakita ng ipis sa bahay kaya hangga’t maaari ay wala siyang makitang anumang uri ng dumi.

“Hindi ako germophobic ayoko lang ng may ipis sa bahay kaya nililinis ko agad. Ang ayaw ko yung may buhok sa sahig kaya vina-vacuum ko agad,” paliwanag ni Perry.

Chika naman ni Kris, hindi raw siya sanay sa sobrang linis ng bahay at feeling niya isa ito sa mga rason kung bakit humihina ang immune system niya na nagreresulta sa kanyang pagkakasakit.

“Hindi kasi ako sanay sa sobrang linis, doon ako nagkasakit sobrang walang germs. Sa bahay kasi namin sa Quezon City may alikabok, may bacteria,” ang tawa nang tawang hirit ng Kapuso star.

View this post on Instagram

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)


Sa isang bahagi ng vlog, nagsabi ang aktres na isa sa mga New Year’s resolution niya ay ang maging active sa pagba-vlog  ngayong 2022.

“I’ve resumed my YouTuber career! Lol! One of my New Year’s resolutions is to be able to post a weekly vlog. Kaya ba, KB?” aniya pa.

Samantala, malapit nang mapanood ang comeback series ni Kris sa GMA, ang upcoming GMA Afternoon series na “Artikulo 247”  kasama sina Rhian Ramos, Benjamin Alves at Mark Herras.

https://bandera.inquirer.net/285818/kris-bernal-umiyak-nang-bongga-nang-ma-postpone-ang-kasal-pero-ang-mahalaga-tuloy-pa-rin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/303746/kris-bernal-wala-pang-planong-magka-baby-gusto-munang-mag-travel-at-magpatayo-ng-malaking-bahay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending