SOLID na solid pa rin ang friendship nina Randy Santiago, John Estrada at Willie Revillame kahit pa hindi sila masyadong nagkikita at nagkakasama nang personal.
Updated daw sila sa mga kaganapan sa buhay ng isa’t isa kaya knows ni Randy ang mga nangyayari sa career at personal na buhay nina John at Willie.
Nakachikahan namin si Randy kasama ng ilang piling members ng press sa naganap na mediacon ng “AXEL PAF” 76th anniversary concert na ginanap last June 8, sa Philippine Armed Forces Museum, Villamor Airbase, Pasay City.
Magsasama-sama sa concert na ito ang mga OPM icons na sina Randy, Geneva Cruz, Roselle Nava, Raymond Lauchengco at Gino Padilla.
Dahil mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang nangyayari sa “Eat Bulaga” at sa pagre-resign nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa TAPE Incorporated, naitanong nga kay Randy kung kumusta na sina Willie at John na nakasama niya sa Kapamilya noontime show noon na “Magandang Tanghali Bayan”.
Baka Bet Mo: Randy Santiago parte na rin ng AMBS, tikom ang bibig sa ‘parinigan’ nina Bayani at Vice Ganda
“Ang dami kong barkada kasi but if you’re talking about Willie and John, we get to communicate regularly.
“In fact, birthday na ni John (last June 10) and magkikita-kita kaming lahat. Aside from that, very close si John sa grupo ng Ang Probinsyano and Batang Quiapo, I’m very sure nandoon din sila.
“Aside from that, siyempre barkada ko si John, ngayon mas naging barkada niya si Rowell at Raymart (mga kapatid ni Randy) because of Probinsyano, naging tight talaga sila. Every time na nagvi-video call sila, nagbabatian kami.
“Si Willie naman, nag-uusap kami about what’s next for him. Very exciting din kasi gusto niyang umikot and gusto niyang mag-tour din, so he might just do that,” pagbabahagi ni Randy.
Sundot na tanong sa kanya kung napag-uusapan ba nila ni Willie ang tungkol sa mga isyu about noontime shows, “Lately, hindi naman na namin napag-uusapan dahil ngayon lang nangyayari ‘to, e. So hindi namin nadi-discuss yun.
“In the meantime, nag-o-observe lang ako dahil hindi natin alam yung mga susunod na mangyayari, di ba? We don’t know what’s happening and I am very sure na alam niyo rin yung sa Eat Bulaga.
“Saan pupunta yung Eat Bulaga with TV5? Like, ano yung magiging time slot nila? Nakakagulat talaga, ang bilis ng mga pangyayari.
“Aside from that, nai-mount nila nang mabilis din. Regardless of whoever you put there, as long as aandar ang noontime show, it will run. So it did. Hanep ‘no, napatakbo nila Paolo (Contis),” ang sabi pa ni Randy.
Kung may mag-offer sa kanya na maging host ng bagong “Eat Bulaga” sa GMA 7, tatanggapin ba niya? “Wala pa naman, hindi pa naman nila naiisip yun, e. Alam naman natin na even before this, dapat inaayos na namin yung noontime ng ALLTV.
“It’s either I join It’s Showtime, kasi di ba, naghuhurado ako doon? So, open naman tayo anywhere. Open tayo sa lahat,” aniya pa.
Sagot naman ni Randy sa tanong kung tatanggapin niya sakaling alukin siyang magdirek ng “Eat Bulaga” at kung sinu-sino sa palagay niya ang pwedeng ipangtapat sa TVJ, “Kung maglalagay ka, dapat buong team na, e. Kahit tumapat lang, hindi naman kailangang bumangga, yung dapat sanay na sa noontime show.
“Maraming host na puwede, not necessarily naman na puro bata yung ilalagay mo, e. Importante yung may tumitimon e, yung mga layering.
“May tinatawag tayong layering, layer 1, layer 2, and layer 3. Katulad ng bawat shows, may ganoon to make it a big family and to make it work.
“Ang nakakatuwa kasi, maraming available ngayon and maraming sikat na magagaling dahil sa TikTok,” lahad pa niya.
Samantala, maraming inihandang sorpresa sina Randy, Geneva, Roselle at Gino para sa lahat ng manonood ng kanilang concert sa June 23, ang “AXEL PAF 76th Anniversary Concert”.
Ito’y magaganap sa The Theater at Solaire and presented by The Philippine Air Force
“This year marks the 76th Founding Anniversary of the Philippine Air Force With great pride, we will celebrate this momentous event through a concert aptly entitled “AXEL PAF.
“Proceeds of the concert will go to the PAF Welfare Fund, which provides financial assistance to PAF Military Personnel and Civilian Human Resource who are suffering from dreaded disease or victims of accidents and calamities.
“It also provides donations to qualified persons and charitable institutions as determined by the PAFWF Board.
“Tickets available at www.ticketworld.com.ph and at the Solaire Box Office Level 2,” ayon sa statement ng PAF.
Related Chika: