EXCLUSIVE: Kaladkaren pangarap maging bold star, superhero; Bet maka-kissing scene sina Enchong, Gerald, Ian
MATAPOS gumawa ng kasaysayan bilang kauna-unahang transgender woman na “Best Supporting Actress” sa Metro Manila Film Festival ngayong taon, pasabog ang dream role ng TV host-comedienne na si KaladKaren sakaling may pagbibidahan naman siyang pelikula.
Nagkaroon ng exclusive interview ang BANDERA kay Kaladkaren o Jervi Li sa totoong buhay in collaboration with Preen.ph at doon niya sinagot ang ilang maintriga naming katanungan.
View this post on Instagram
Pagbubunyag ng komedyana, pangarap niyang maging bold star o kaya naman isang transgender woman superhero.
“Gusto ko talagang maging bold star! Uso naman ang boldilocks ngayon, ‘diba? ‘Yan ang usong-uso na pinapanood online…It’s for art, why not? I’ll do it,” deretsahang sagot ni Kaladkaren.
Chika pa niya, “But kung meron man akong genre ng pelikula, gusto ko ng superhero flick kasi gusto kong maging superhero.”
Paliwanag niya, lalo itong makakapagbigay ng inspirasyon upang ma-empower ang maraming tao, lalo na ang LGBTQIA+ community.
Sambit niya, “Ang sayang makakita ng superhero ka, pero LGBTQIA+ member ka.”
Baka Bet Mo: Janella, Kaladkaren, Michelle, ilan pang artista nagbunyi ngayong ‘Pride Month’
“It also empowers the community na kaya nating mag-save ng buhay ng mga tao, mag-save ng mundo,” dagdag pa ng TV host.
Sabi pa niya, Kahit sino pwedeng maging bayani at hindi raw ito nasusukat sa kasarian o sekswalidad ng isang tao.
“So ang saya lang makita na may ‘Ay! Bakla siya o!,’ ‘transgender siya pero superhero siya,’ so I think that’s one of my dream roles,” ani ni Kaladkaren.
At siyempre kung bibida siya sa isang pelikula, hindi naman mawawala ang pagkakaroon ng leading man.
Dahil diyan, tinanong ng BANDERA kung sino nga ba ang bet niyong maging leading man at maka-kissing scene.
Walang alinlangan namang isinagot ni Kaladkaren na ang mga aktor na sina Enchong Dee, Gerald Anderson at Ian Veneracion ang nais niyang makatambal.
“Si Enchong nakasama ko na sa pelikula. I think he will be a perfect leading man for me, and Gerald Anderson, mga ganyan,” saad ng komedyana.
Patuloy pa niya, “Sa mga medyo matanda, parang okay rin ako kay Ian Veneracion.”
Paliwanag niya, “Parang hindi ko kayang maging leading man sina Set Fedelin o Donny Pangilinan kasi parang masyadong bata.”
“Kasi may kapatid akong 21 years old, so parang mas gusto ko naman ‘yung medyo mas matanda sa akin and I like guys older than me,” aniya.
Proud niya ring binanggit na kayang-kaya pa niyang sumabak sa mga “intimate scenes” sakaling mabigyan ng pagkakataon.
“Kaya ko pa yan!,” natatawang sinabi ni Kaladkaren.
Saad pa niya, “I think nothing stops a person naman from doing things for work, and for art and if the character or story needs it ‘diba, siyempre, ibibigay natin ‘yan.”
Kung gusto niyo pang kilalanin at alamin ang iba pang kaganapan sa buhay ni Kaladkaren, pwede niyong bisitahin ang Preen.ph upang basahin ang kanyang istorya na may titulong “Reintroducing Kaladkaren, as herself.”
Isa itong special coverage ng Preen.ph na handog ngayong Hunyo kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month.
Related Chika:
Sunshine Cruz pinagsisihan ang pagiging ‘bold star’: Naging malaking parte ‘yun ng separation namin
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.