Baguhang singer na si Lindsay Bolaños may laban ang boses, pangarap maka-collab sina Regine at Morissette
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Lindsay Bolaños
IN FAIRNESS, promising ang baguhang young singer na si Lindsay Bolaños na pwedeng-pwedeng makipagsabayan sa magagaling nating performers.
May laban si Lindsay na makagawa rin ng sariling pangalan sa music industry kapag nabigyan ng pagkakataon dahil bukod sa magandang boses ay bongga rin ang kanyang attitude towards work.
“I started at the age of 6, and my talent for singing finally showed up. I started singing along to songs, especially in the shower.
“After hearing me, my father enrolled me in a voice school which made me sing in different places with different crowds. I perform at mall shows, and competitions, inside and outside school.
“And the first competition I won was the EKids Talent Competition in 2015. In 2022, my friend introduced me to Ma’am Evie Quintua who is now my manager and is helping me to achieve my dreams,’’ ang kuwento ni Lindsay sa presscon para sa launching ng kanyang album titled “Pusong Nagmamahal” last June 7.
Chika pa ni Lindsay, na pwedeng-pwedeng maging bagong Jukebox Princess dahil sa tunog ng kanyang mga kanta kabilang na ang “Pusong Nagmamahal”, umaasa siya na magugustuhan ng publiko ang kanyang mga songs.
Aniya pa tungkol sa pagsabak niya sa music industry, ‘’Hindi po ako nape-pressure kasi may kanya-kanya po kami style and identity, dahil kung makikipagkumpetensiya po ako sa iba and gusto ko pa magkaparehas kami palagi, hindi na po ako yung makikilala as Lindsay, dahil gusto ko po na makilala ako as my own identity.”
Kung mabibigyan ng chance, gustong maka-collab ni Lindsay ang mga idol niyang sina Morissette Amon at Regine Velasquez.
Ang “Pusong Nagmamahal” ay mula sa EBQ Music Production and distributed by PoltEast Records. Ito ay isinulat ni Evie Quintua na siya ring head ng EBQ at producer ng album ni Lindsay habang ang tatay naman ni Lindsay na si Bobot Bolaños ang naglapat ng musika.
Kasama rin sa album ang mga hugot tracks na “Ikaw Na Lang Kaya”, “Kung Kailan Pa”, “Para Sa ‘Yo”, “Inaamin Ko” at “Kahit Pangarap Lang.”
Sa kanya namang Instagram account, nagpasalamat si Lindsay sa press at mga kapwa singer na um-attend at sumuporta sa kanyang album launch.
“Pusong Nagmamahal ALBUM LAUNCHING and PRESS CONFERENCE.
“This day is a very special one for me. I sure have dreamt of being a singer/an artist and launching MY OWN ALBUM, but I never expected it to happen someday.
“I thought that that dream of mine will forever be just a dream. But, it actually happened! You just got to believe in yourself and trust God’s timing,” mensahe ng dalaga.
Samantala, nabanggit din ni Lindsay sa amin na sumali na rin siya noon sa mga singing contest at in fairness ilang beses na rin siyang naging champion.