SB19 nilabas na ang bagong EP na ‘PAGTATAG!’, ano nga ba ang paborito nilang kanta?

SB19 nilabas na ang bagong EP na ‘PAGTATAG!’, ano nga ba ang paborito nilang kanta?

PHOTO: Courtesy Sony Music

PASABOG ang bagong album na inilabas ng Pinoy pop sensation na SB19!

Ito ang ikalawa nilang extended play (EP) na may titulong “PAGTATAG!” na mapapakinggan na sa lahat ng music streaming platform.

At kasunod nga ng kanilang release ay nagkaroon ng EP launch ang SB19 kasama ang ilang media at doon nila chinika kung ano ang kaibahan ng bagong album mula sa mga nauna nilang inilabas.

Paliwanag ni Justin, ang isa sa sub-vocals ng grupo, nais nilang ipakita ang tunay na branding ng SB19.

“So for ‘PAGTATAG!,’ dito po ipinapakita ng SB19 na matatag na kami,” sey ni Justin.

Chika pa niya, “‘Yung from our story from ‘Pagsibol’ kung paano kami nag-grow, this time sa ‘PAGTATAG!’ ganito kami, ganito si SB19, ito si SB19.”

Dagdag naman ng leader at main rapper na si Pablo, “This time sa ‘PAGTATAG!,’ ito ‘yung gusto naming ilabas, pakinggan niyo. Ganun ‘yung tingin namin. Ito ‘yung nararamdaman namin. Ito ‘yung storya ng SB19.”

“For this EP, ang masasabi ko lang, bukod sa may freedom kami, sigurado kami sa nilabas namin,” ani pa niya.

Baka Bet Mo: SB19 nagpakita ng angas sa bagong single na ‘Gento’, trending agad sa netizens: ‘Nakalimutan kong huminga, OMG!’

May anim na kanta ang bagong EP ng SB19 at kabilang na riyan ang hit song na “Gento,” pati na rin ang “Ilaw,” “Freedom,” “Liham,” “Crimzone,” at “I Want You.”

Sa naganap na mediacon, isa-isang ibinahagi ng mga miyembro ng P-pop group ang kanilang paboritong kanta sa bagong album.

Ang napili nina Pablo, Justin at Ken ay ang kantang “Ilaw” dahil nakaka-relate daw ito sa mga pinagdaanan nilang pagsubok sa buhay.

Kwento ni Pablo, “Isa sa pinakapaborito kong kanta sa album namin is ‘yung ‘Ilaw.’ Very personal siya and as I wrote the song, parang nai-imagine ko talaga ‘yung situation ko kung paano ko siya naiisip.”

“So para sakin, kapag naririnig ko ‘yung lyrics ‘nun, parang bumabalik ‘yung memories na ayoko munang umuwi kasi mag-isa nanaman ako,” sey pa niya.

Chika naman ni Justin, “‘Ilaw’ din for me. Nagkaroon kasi ng time or phase na parang ayoko nang pumasok sa work as SB19 na parang talagang iniisip ko sa part ko na kailangan ko po ng isang linggong break na masyado na akong na-overwhelm.”

Dagdag pa niya, “And parang ‘yun nga, ang nai-imagine ko sa kanta is ‘yung lahat ng ilaw na nakatutok samin as an artist na parang nabubulag na ako, at the same time parang ‘yung mga tao na nakatingin sa akin ay nabubulag na, hindi na nila nakikita ‘yung tunay na ako. Kailangan kong i-hide, parang ganun.”

Sambit ni Ken, “‘Ilaw’ din po kasi mas marami akong nakikitang kumbaga pinagdaanan ko rin so nakaka-relate ako roon. Kumbaga andoon ‘yung hope even though it’s dark, so ‘yung light andoon pa rin.”

Para naman kay Josh, “Crimzone” ang masasabi niyang favorite song niya sa album.

Paliwang niya, “‘Crimzone’ is my hand-picked song naman talaga and kasi parang ‘diba kapag may gusto kang iparating, hindi pwedeng walang pain.”

Ani pa niya, “So siyempre, you have to work your way up through blood, sweat and tears sabi nga. So ‘yun ang ginawa ng SB19.”

Si Stell naman ay “Freedom” ang pinili dahil dedicated daw ito sa mga taong sumusuporta sa kanila, lalo na ang fandom nila na “A’tin.”

Sambit niya, “For me, ‘Freedom.’ Kasi we know naman na freedom is for fans A’tin and kasi pag andyan ‘yung mga taong sumusuporta sayo, pag andyan ‘yung mga tao na comfortable mong kasama, you feel free.”

“Parang sobrang kaya mong gawin ang lahat. Wala kang katatakutan and with A’tin, talagang freedom ang nararamdaman namin kasi happy kami with them and happy sila kasama kami…So it’s freedom for everyone,” ani pa ni Stell.

Related Chika:

SB19: Nakakatuwa na kahit ibang lahi pinipilit nilang intindihin ang salita at kultura natin

Read more...