Aubrey Miles, Troy Montero nagdiwang ng 1st wedding anniversary: ‘My endless love, my forever sweetness…’

Aubrey Miles, Troy Montero nagdiwang ng 1st wedding anniversary: ‘My endless love, my forever sweetness…’

PHOTO: Instagram/@milesaubrey

IPINAGDIRIWANG ng celebrity couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero ang kanilang first wedding anniversary at dalawang dekada ng pagsasama.

Sa pamamagitan ng social media, ibinandera ng mag-asawa ang kanilang pagbati para sa isa’t-isa.

Naunang nag-post sa Instagram si Aubrey na kung saan ay ipinakita niya ang ilang sweet moments habang nasa beach at suot ang kanilang wedding attire.

Mensahe niya kay Troy, “Happy 1st year wedding anniversary [happy face emoji] and going on 20 years together.”

Inalok pa niyang kumain sa labas ang mister at nanghingi pa ng suggestions sa madlang pipol.

Caption niya, “Let’s have dinner @troymontero. Any suggestions guys? Saan ba ok?”

Baka Bet Mo: Troy ayaw nang buntisin si Aubrey, OK na sa 3 anak: We’re happy na with everything now

May short but sweet message din si Troy para sa kanyang misis na naka-post sa sarili niyang IG account.

Pagbati niya, “Happy 1st Year Anniversary [red heart, ring emojis].”

Caption pa niya, “To the Love of my Life, my Endless Love, my Forever Sweetness.”

“The only thing better than today is knowing we’ll be together tomorrow. I Love You [red heart emojis],” aniya pa.

Umapaw naman ang mga pagbati mula sa netizens at narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Happy Anniversary Miles & Troy! God bless you with more happy & healthy years together! [emojis]”

“OMG , My favorite idols [red heart emojis] Continue inspiring others, you’re the greatest couple ever, blessed more years to celebrate!”

“My favorite couple [smiling face with hearts emoji] Happy Anniversary [smiling face emoji] stay in love. God bless [red heart emoji].”

Kung maaalala, June 2022 nang magkaroon ng intimate civil wedding ang sina Aubrey at Troy.

Marso ng nakaraang taon naman nang i-announce ng dalawa sa madlang pipol na engaged na sila.

Nabiyayaan ng dalawang anak sina Aubrey at Troy na sina Hunter at Rocket.

Samantala, nagkaroon naman ng anak ang aktres na si Maurie sa previous relationship nito.

Related Chika:

Troy nag-propose na kay Aubrey sa Bora: Together 18 years, engaged 8 hours…here’s to forever with you

Read more...