Fans nina Wilbert Ross at Yukii Takahashi adik na adik sa ‘Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile’: ‘Mas excited pa ‘ko dito kesa sa sahod ko, promise!’

Fans nina Wilbert Ross at Yukii Takahashi adik na adik sa 'Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile': Mas excited pa 'ko dito kesa sa sahod ko, promise!

Wilbert Ross at Yukii Takahashi

PITONG linggo na ang nakararaan mula nang lumabas ang unang episode ng online romcom series na “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” na pinagbibidahan nina Wilbert Ross at Yukii Takahashi.

At mula nga noon, nakakuha na ng milyon-milyong views ang serye sa mga teaser at episode nito na napapanood sa Puregold Channel. Lumawak na rin ang fan base ng tambalan nina Bryce (Wilbert) at Angge (Yukii).

Malinaw na malinaw mula sa mga numero ang lahat: bawat episode ng “Ang Lalaki sa Likod ng Profile” ay nakakalikom ng 90,000 hanggang 171,000 views, habang 160,000 hanggang 186,000 naman para sa bawat trailer.

Kung susumahin, 12.3 milyon na ang views sa Facebook at YouTube. Dagdag pa rito, ang opisyal na hashtag na #anglalakisalikodngprofile na meron nang higit sa 12 milyon na views sa TikTok. Patunay ito na walang makatatalo sa mahuhusay na kuwentong pag-ibig, at ang kilig nitong dala-dala.

Walang pagdududa na inaabangan na ng mga manonood ang bawat bagong episode tuwing Sabado nang gabi, at nakatutok sa pag-unlad ng kuwento.

Baka Bet Mo: Tiktokerist Yukii Takahashi may pelikula na, napili pang co-host nina Albie at Catriona sa ‘Top Class’

Dahil sa pagpapakita ng tradisyonal na mga paniniwala at gawi ng mga Pilipino, at ng modernong mga karanasan sa online dating, kumapit ang mga manonood sa “Ang Lalaki sa Likod ng Profile.” Sa naratibong mayroong saya, pagpapatawa, at kilig, nakikilahok ang fans sa paghihirap at ligaya ng mga tauhan.


Bakas din sa mga komento ang epekto ng serye sa mga manonood.

Ani Lavender Gurl sa Episode 7, kung saan nagkita na sina Bryce at Angge, “Grabe, sobrang kilig ko na nagkita na sila! Love love love it to the max over! Sana matagal pa matapos. Ang ganda ng songs at ang linis ng quality ng video. Bagay talaga sila.”

Sabi naman ni Grande Sorella Vlog, “Finalmente! Nagkita rin sila. I love it! Naku, ituloy niyo na po ang kilig ha. Huwag na kayong maging bitter, char! Waiting for the next episode.”

Si Jamil De Torres, masayang naghihintay sa bawat episode. “Excited na sa episode 8. Nagkita na sila, grabe. Kapana-panabik naman ang story, paganda nang paganda!”

Pagbibiro ni Dorothy Joy Emiliano, “Mas excited pa ako dito sa series na ito kaysa sa sahod ko, promise.”


Ani Ivy Piedad, Marketing Manager ng Puregold, “Ipinagmamalaki namin ang impact ng serye sa mga manonood. Ito ay tunay na repleksyon ng aming dedikasyon sa paggawa ng dekalidad na retailtainment.

“Mahalaga at nakakokonekta ang mga Pilipino sa mga kuwentong inilalatag ng Puregold Channel, at masaya kaming maramdaman ang kanilang positibong pagtanggap,” aniya pa.

Sa susunod na episode, lilipat na sina Angge at Bryce mula sa digital na mundo, tungo sa totoo at pisikal na espasyo. Kikiligin ba ang dalawa?

Uunlad ba ang kanilang pagkakaibigan sa pag-iibigan? May manunumbalik ba mula sa nakaraan at magsisilbing pagsubok sa namumuo nilang relasyon?

Abangan ang Episode 8 ngayong araw, June 10, 7 p.m., sa Puregold Channel sa YouTube.

Wilbert Ross babu na sa paghuhubad at pagpapa-sexy; pa-wholesome sa digital series na ‘Ang Lalaki Sa Likod Ng Profile’

Wilbert Ross, Yukii Takahashi bibida sa digital show na ‘Ang Lalaki sa Likod ng Profile’

Read more...