Canada visa-free na sa mga Pinoy, pero may kondisyon…

Balita featured image

GOOD news para sa ating mga kababayan!

Tila magiging madali na ang pagpunta sa bansang Canada sa ilang Pinoy dahil kabilang ang Pilipinas sa tinatawag na “electronic travel authorization (eTA) program.”

Ibig sabihin niyan, visa-free na ang pagbisita natin sa nasabing bansa.

‘Yun nga lang, depende ito kung ikaw ay kwalipikado sa kanilang entry requirements.

Sinabi ng Canadian Minister of Immigration, Refugees and Citizenship na epektibo ang visa-free sa mga Pinoy na Canadian visa holder sa nakalipas na sampung taon, pati na rin kung may kasalukuyang US non-immigrant visa.

Baka Bet Mo: OFWs sa Canada biktima rin ng diskriminasyon, sey ni Direk Benedict Mique: ‘Pero hindi Canadians ang problema, ibang mga lahi’

“This exciting development means that more individuals from around the world can now embark on unforgettable adventures, explore our diverse landscapes, reunite with family and friends, and immerse themselves in our vibrant culture without the hurdle of visa requirements,” sey ni Sean Fraser ng Canadian Minister of Immigration, Refugees and Citizenship.

Bukod sa Pilipinas, kabilang sa nasabing programa ang Antigua and Barbuda, Argentina, Costa Rica, Morocco, Panama, St. Kitts and Nevis, St. Lucia, St. Vincent and the Grenadines, Seychelles, Thailand, Trinidad and Tobago, at Uruguay.

Ayon sa Canadian Minister, ang layunin ng pagluluwag ng kanilang bansa ay para mapalakas ang turismo at mapatibay ang ugnayan sa mga nabanggit na bansa.

“This expansion not only enhances convenience for travelers. It will also increase travel, tourism and economic benefits, as well as strengthen global bonds with these 13 countries,” sey niya.

Sa mga interesado at gustong mag-apply ng visa-free entry sa Canada ay kailangan lang ng valid passport, credit card, email address at internet access.

Paglilinaw ng Canada na ang mga hindi kwalipikado sa “eTA” ay kailangan pa ring mag-apply ng visitor visa.

Ikinatuwa naman ng ating Department of Foreign Affairs (DFA) ang anunsyo ng Canada.

Ayon sa inilabas na pahayag,  “The Philippines considers Canada as a close partner due to its well-established people-to-people ties and looks forward to charting a new era of engagement under this new policy.”

Read more:

Read more...